Tuesday, June 25, 2013

University of Pila: Struggles and Hardships

Hah! It's been a while since I posted a worth-reading story <anu daw?> here in my blog.

Anyways, I'm really happy right now and I want to tell the whole world that finally...
I'm now officially registered for the First Semester of School Year 2013-2014!!!

Alam ng Panginoon kung gaano ako naghirap nitong enrollment period. Well, alam din siguro ng ibang mga friends ko.

Ang daming problema. Sobra.

It all started last summer. The CEAT College Sec posted the deadlines for the submission of COI pero hindi ko man lang naiisipan na bumiyahe papuntang Laguna para magpass nung mga COI. Ayan tuloy, wala akong nakuhang matinong subject sa SystemOne. Itong fifth year ko kasi, halos with COI na ang mga subjects ko kaya yun. Ang isa pang dahilan, yung sinubmit kong Plan of Coursework, eh hindi naman naupdate dun sa SystemOne account ko. At ang pinakahuling dahilan, yung grade ko ng ChE 32... incomplete pa rin ang nakalagay kahit na matagal ko na itong nacomplete!

So ayun, enlisted lang ako sa isang GE subject at sa ChE 32.

Oh well.

Earlier today, tinanung kami ng teacher ko kung bakit hanggang ngayon <kanina> eh hindi pa kami registered. Well, dahil iyan sa "one day - one transaction" na nangyari. Isang araw para sa pagpila sa pagkuha ng Form 5. Isang araw sa pagpila sa pagkuha ng Form 26. Isang araw sa pag-pa-sign sa registration adviser. At isang araw sa pag-pa-sign sa college secretary. Hindi diyan kasali yung pag-p-prerog ko sa mga teachers.

First time ko actually makaranas ng ganitong hirap. Napakahirap i-request yung mga teachers na i-accept ka sa klase nila. Kinakailangan ko kasing makakuha ng at least 15 units para pa-avail ko yung scholarship ko sa DOST. Kaya buwis buhay talaga. Walang kaibi-kaibigan at walang kakila pag nagu-unahan na sa slots!

Sa kagandahang palad, nakumpleto ko ang 20 units. Sooper bait ng mga teachers sa Chem Eng Dept kasi inaccept nila ako agad. Pati na rin pala sa Forestry. Kaya naman masasabi ko, hindi ako nahirapan sa pag-prerog kahit na first time kong magprerog! 

Ang pinakamahirap na parte? PILA

Totoo nga ang sinasabi nila. Ang UP ay University ng Pila!

Pagkakuha ko ng signed Form 26 nitong umaga, nagderetso na ako sa Registrar's Office. Kandahabang pila para sa reassessment!!! Pero napansin ko, naglagay na sila ng madaming upuan at mer mga industrial fans din so hindi na masyadong heavygat ng kabanasan habang pumipila. Pero matagal pa rin eh. Inabot ako ng isang oras dahil nasa dulo ako ng linya pagdating ko doon.

After noon, napansin ko madami pa akong time bago mag lunch break kaya naman deretso Chem Eng Dept ako para magbayad.

And yes, may PILA ulit
Napakaswerte ko pa rin dahil inabutan ko ang lunch break! Pero nga lang wala man lang shade sa pilahan. Babad kami sa araw. At yung kuya na nasa harapan ko, masyadong irritated na!

I decided to skip my 1 PM class para lang matapos na itong registration na ito. Wala pa kasing anunsyo kung extended ba ulit ang registration eh. 

Wala pang 1 PM nung nakarating ako sa Registrar at... MAHABANG PILA ULIT! Anak ng pitumpu't pitong puting putakte't tipaklong namang buhay to! Hindi na ba ito matatapos?!?! Ang sakit sakit! Inabot ako ng mahigit isang oras sa pila dahil nasa dulo ulit ako ng linya nung makarating ako... 

Pero good things happen to those who wait. I think nakuha ko naman na yung good thing na part. 
Sa wakas registered na ako. Nakuha ko na mga class cards ko.

Salamat sa mga tong sumoporta sakin. Salamat sa mga magulang ko dahil hindi ninyo ako pinabayaan at kahit malayo sa isa't isa, naging crying shoulder ko kayo. Yes, umiyak ako dahil sa registration na ito. Stress kasi eh.

Salamat sa inyo na bumabasa nito.

P.S. Salamat din dahil naka 10000 pageviews na itong blog ko! 

Aftershock: Kagagaling ko lang Robinson para mag-grocery... ang haba ng PILA!!!!

No comments:

Post a Comment