Friday, March 8, 2013

Happy Twenteenth Birthday to me! Day 3

Maagang-maaga. Nagpunta kaming simbahan. Masaya naman yung lecture. Ang tanging ayaw ko lang dun sa simba eh mas mahaba pa yung announcements kesa sa homily. Grabe lagi na lang ganun.

Anyways, ayokong masira ang araw ko dahil lang sa announcements.


Pag-uwi namin ng bahay, deretso impake na kami papuntang resort. Pinili naming magresort para walang uninvited guest ang pumunta sa birthday ko. Kasi according sa pinsan ko, madami daw mga hampaslupang epal ang umattend sa birthday ni mama nung nakaraang linggo! Grabe ang epal lang ha, feeling close sa amin?!?!

Naalala ko lang kasi nung birthday ni Dad 3-4 years ago...

Every October kasi, me black rosary na nangyayari sa mga bahay bahay. Sakto sa birthday ni Dad, ililipat na nila Mama yung Virgin Mary sa ibang bahay. Before sila pumunta sa ibang bahay, nagluto muna kami ng pansit panghanda; although wala si Dad nun kasi nagpunta atang ibang bansa. Naiwan kami ni lola sa bahay. 15 minutes lang after umalis sila Mama, me dumating na bata! Isang dugyuting bata na anak nung isang nanay (of 5 kids) dun sa may slum area. Kalaro nung kapatid ko yung ate nung bata so feeling ko dinaldal ng kapatid ko yung birthday ni Dad. Tanung nung bata "Asinnu ti agbirthday?". Nagulat kami ni lola, panu alam nung bata na may birthday sa bahay. Haha. Sabi namin walang me birthday kasi literal naman na wala sa bahay si Dad. Yun, umuwi na yung bata. Grabe tawa kami ng tawa ni Lola. Nyahaha. Porket me birthday, libreng tsibog agad?! 

Haha.

Anyways, yun nga diretso na kami resort. Sumama samin si Tita Tere pati na rin sina Ayesha at Miguel. 

Pagkadating namin, ligo agad mga bata eh.

Ako, kumain muna. Haha. Kain lang talaga.

  
want some barbecue?
Nagtampisaw ng paunti unti. Andami kasing ibang tao. Datirati kasi pag-a-ari naman ang mga pools nyahaha. Tsaka maaraw din.

Grabe kainan at kwentuhan lang tlaga ang ginawa namin. Had fun fun fantasy fun!

With my family!
Sobrang nag-enjoy ako sa celebration ng birthday ko kahit alam kong kinabukasan eh uuwi na naman ako pabalik sa realidad na nangyayari sa elbi. hayyyzzz.

Salamat sa lahat ng dumalo si birthday ko! Salamat ng marami sa Mama at Papa ko dahil nakapag-birthday celeb ulit ako. It's more fun with the family talaga.


No comments:

Post a Comment