Friday, March 8, 2013

Happy Twenteenth Birthday to me! Day 2

Nang umaga na yon, nagpunta kami ng Save More sa Santiago para bumili ng mga panghanda. Andami naming binili, pang noche-buena lang ang peg?


Dahil isa ako sa magluluto, nagdecide akong pumili ng madaling lutuin. Gusto ko sana pasta with pesto sauce kaso walang tindang pesto sauce ang Save More. Wala din Basil leaves so... bagsak namin ay Filipino-style spaghetti. Actually hindi ko gusto ang Filipino-style kasi masyadong matamis para sa panlasa ko. Pero gora na rin para naman maiba kasi laging maasim yung niluluto namin eh. 

Pero okay lang talaga sakin ang Barbecue at Spag. Simple lang ang gusto ko haha. I-reserve nalang yung ibang pera sa debut ko next birthday! Woooo!

Pag-uwi namin, nagprepare na agad ako nung mga ingridients. Hassle kasi pag spag kasi dapat pino ang mga ingridients.

Anyways, natapos ang gabi namin na sooper excited kami sa event para bukas.

No comments:

Post a Comment