Thursday, February 28, 2013

Happy Twenteenth Birthday to me! Day 1

Dalawampung taong gulang na rin ako sa wakas. Pero ayoko pa talagang mawala sa aking teen stage kaya naman "twenteenth" ang gamit ko. Wala nang basagan ng trip! Haha.

Dahil hindi ako nakauwi nung birthday celebration ni Mama last February 10, inobliga ako ng Papa ko na umuwi sa birthday ko. Hindi sana ako uuwi kasi andaming kong gagawin atsaka wala akong pera pero sabi niya ibabalik daw nya ang perang magagastos ko sa trip so pumayag na rin ako.

Pero kainis lang nung araw na yun kasi ina-allergy na naman ko. After ng boring na klase ko sa ChE 172, dali-dali akong dumeretso papuntang Olivarez. Pero, hep! Kumain muna ako sa Jollibee at nagtake out narin ng pang-lunch o snack. Nagulat pa ako nung nakita ko si "Dragonesa" kumakain! Si "Dragonesa" ay yung assistant ng College Secretary namin sa CEAT. Andami na niyang nabiktima sa kaswangitan nya! Haha. Isa na ako dun nung OF palang ako.

Anyways, namumukhaan niya ata ako dahil kakapasa ko lang nung week na iyon ang aking Plan of Course Work.

Around 2PM ako nakarating sa Cubao. Nagpunta ulit ako sa Jollibee dun para magrefill ng aking mga resources. Haha. Mas mura kasi pag sa Jollibee ka bumili kaysa sa mga stop overs na overpriced eh hindi mo pa na-attain yung satisfaction na hinahanap mo.

Ang nakuha kong ticket ay ticket no. 39 sa byaheng 2:30PM. Buti nalang 10 minutes lang ako maghihintay unlike nung ibang byahe ko last time na kahit 2PM ako dumating eh 5PM na lang ang bakante...

Ako na talaga ang masipag. Nagbabasa ako ng Noli me Tangere at El FIlibusterismo sa bus habang nabyahe! I can't believe na natapos ko yung selected chapters nung nakarating na kami sa Bulacan. Nainggit ata yung katabi ko at nagbasa din sya ng Bob Ong. Salamat sa bagong pair of glasses ko, hindi ako nahihilo habang nagbabasa.

Napakacomfortable ng bus ng Victory Liner. Parang deluxe na nga yung sinakyan ko pero ndi sya deluxe ah!

Around 1:40AM na ako nakarating sa bahay. Of course, sinundo ako nila Mama, Papa, at Chamme sa babaan ko. Weeeh!

Anyways, hindi ko man lang naenjoy ang Feb Fair. Tsk. Wala talaga akong social life. At least nag-e-enjoy pa rin ako haha!

No comments:

Post a Comment