Thursday, January 31, 2013

Unexpected Trip = Sabaw

Hay buhay. First Hell Week ko ito ngayong sem. Ngayon lang ako nakaranas ulit ng ganito: araw-araw me exams tapos may mga ipapasa pang requirements. Last na nangyari sa akin ito eh nung sophomore ako. Sobrang tagal na non.

Anyways, ngayong araw na ito, ChE 41 ang exam ko. Tungkol sa chemical process industries. Eh di syempre aral ako masyado. Noong Monday pa ako nag-aral pero paulit-ulit lang ang pagkabisa.

Sobrang ganda nang umagang ito. As usual, maaga akong nagigising para maaga ding pumasok. Ang first class ko ay PE 2 Bridge sa may copeland. Hassle kasi magmadali kaya laging 30 minutes before pasukan eh umalis na ko ng bahay.

So yun nga. The usual routine. Lakad-Jeep-Lakad. Nakabili na rin ako ng bagong earphones kaya nakasalpak sa tenga ko; plus, surround sound sya kaya feel na feel ko yung music weeeh!

Dati-rati, "Kaliwa" na jeep mga sinasakyan ko. Pero nitong mga nakaraang araw, puro pa-"Kanan". So ngayong araw, pinalampas ko yung pa-"Kaliwa" tapos dun ako sa pa-"Kanan" sumakay.

Hoops. May bakante!

Yun nga. Feeling comfortable na ako sa seat ko. Naiinis lang ako nung nag-a-abot na ako ng pamasahe ko kasi pinagtinginan lang nung mga Kuyang katabi ko sung bayad ko. Ni isa, walang nag-abot! Hanep kayo! Anlaki nyong t*e! Kinailangan ko pang kulbitin yung ate sa pinakadulo - two big man away from me.

Binuksan ko na lang yung notebook ko tapos ni-re-recall yung mga notes. Medyo madilim pa noon pero keri lang. Hindi ko pinapansin yung daan. Nung napasilip ako sa labas, nagulat ako dahil abot-tingin ko na yung infirmary!

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Nagmasid ako sa mga katabi ko. Napansin ko halos matatanda yung mga kasabayan ko.  Kaya pala...

Nagsibabaan sila sa duun sa pinakadulong babaan sa taas.

Nagpanic na ako nung ako lang ang natira sa jeep. Sabay tanung kay kuya kung baba siya.

Nagulat din si kuyang driver. Haha.

Pumayag naman siyang bumaba agad. Although naririnig ko na bumubulong bulong siya. Aba partially kasalanan din niya ah! "Kanan" lang kasi nakalagay sa karatula niya. Dapat me "Forestry" din noh.

Ayoko lang ma-late kasi baka pakantahin ako ni Ma'am sa PE2!!! Ayoko nga! Binabayaran kaya ang boses ko! Ahahaha.

Thank God, ndi ako late!

Sana hindi na ulit mangyari ito sakin.

No comments:

Post a Comment