Sunday, January 6, 2013

First Time na hinatid ako ng buong Family ko :sohappy:

Last January 1, nagpunta kami sa bahay ng lolo ko sa Potia para mag-celebrate. Nung pauwi na, sinabi ko kila Mama na dumaan kami sa Victory Liner para i-check kung saka-sakali if merun in-open na mga byahe. Halfway sa byahe, biglang tinanong ni Dad kung paano yung byahe ko pabalik. Sabi ni Mama, daytrip na nga lng kasi wala na bakante. Tapos tinanong ulit ni Dad kung hindi daw ba ako talaga ihahatid? Doon na. Bigla kong pinilit si Lola ko. Yes, pumayag siya. Pumayag siyang magpa-gasolina. Pero dapat eh punta muna kami kina Tita Melda sa Pampanga saka ako ihahatid sa Elbi.

Yun na nga.

Sobrang excited naman kaming magpipinsan. Sinabi ko agad kina Joy at Wayne na tuloy a tuloy ang byahe papunta Pampanga. Para makasama si Joy, inagahan namin ng January 4 ang byahe.

One ng umaga supposedly ang byahe namin patungong Pampanga pero inabot kami ng 2AM kasi andami pang hindi na-prepare. Nag-SCTEX kami. Medyo ibang ruta din ang dinaanan namin. Mas mabilis na madadaan itong ruta na ito kasi no need na dumaan pa ng San Fernando. Pero nawala kami hahaha. Fortunately hindi ganun kalayo mula sa destinasyon namin.

Nakarating kami sa bahay nila Tita Melda around 9AM na. Syempre kwentuhan then kainan. Anlalaki na ng mga pinsan ko. Medyo matagal na rin since pumunta ako dito. I think nung high school pa ang last. Pero sila Mama eh recently lang nagpunta.

L-R: Joy, Chamme, Cliford, Wayne
 Kaming mga bagets, nanuod lang ng TV maghapon. Mga elders naman eh yun kwentuhan.

Nung lunch medyo muntik ko nang maisubo yung isang ulam. Ayoko kasi ng duck/pato/bibe. Binisto pa ako ng parents ko eh.Nahiya naman daw ako. Feeling ko tuloy ang-arte ko na masyado. Pero shemay ayoko talaga eh.
Dito kinasal sila Tita Melda at Tito Jojo
Nung hapon na, namasyal kami saglit sa Sta. Rosa. Namili kami ng ulam. Bumili din si Mama nung super kalan ko.
Buying super kalan
Si Joy at si Inang nag-stay sa backseat
After nun, deretso na kami sa bahay ng parents ni Tito Jojo. Nagmeryenda ulit. Hehehe. Pansin ko lang busog na busog kami dito hehehe. Puto atsaka lumpiyang gulay with hipon ang hinaen samin. Ansarap nung lumpiya kasi lasang-lasa yung hipon. Take note, hindi ito dried hipon kundi yung hipon talaga mula sa fish pond nila. Wow.
Typical meryenda sa Pampanga
Si Inang with Tito Jojo's Mom
Nagpaalam na kami tsaka tumuloy na sa bahay nila Tita Melda. Yung dinner namin eh lechon. Handami ko ulit kinaen eh! Angsarap lang. Yes, for the first time in a long time, nagkamay ako habang kumakain. Kasi naman no, lahat sila nagkakamay. Syempre ayoko naman ulit madagdagan ang pagiging maarte impression sa akin.
Hanging out with my youngest pinsan
Lakas maka-trip eh. #ShungaLungs
Si Chamme oh!
Medyo gabi na nung nakatulog ako kasi medyo uncomfortable ako sa unan na gamit ko. Hindi rin naman kasi na-elevate yung ulo ko eh.

Around 3PM kami umalis sa bahay nila Tita Melda at Tito Jojo. Nagulat din ako kasi binigyan ako ng pera. Hehehe. Tig-200 kami nila Chamme at Joy. Wow ha. Twenteen na ako next month pero meron parin akong pera. Thanks po!

Nagtuloy na kami papuntang Los Banos. Nung nakarating kami, medyo na-lost ulit kami kasi hindi ko nasabi agad kung saan liliko. #ShungaLungs.

Pagdating sa apartment,linis agad ang ginawa. Medyo happy naman ako at magiging malinis na ulit ang kwarto ko. Hahaha. Ewan ko ba. Bakit parang iba talaga ang linis pag ako ang naglinis -__- Masyadong malinis pag sila Mama ang nag-ayos.

Nagtungo kami sa Nursery sa taas ng Piccard. Nandon kasi yung kakilala ng Dad ko. Wow. Ang ganda nung orchard nya. Medyo na-convince sila Mama na i-convert yung 1 hectare ng hasyenda/palayan namin at gawing orchard. Kasi naman no, pag prutas eh isang bese ka lang magtanim. Pero pag palay eh iang bese ka magtatanim!
Looking ridikulus as always Joke! Ahahaha
Kung maka-pose! Wala lang paki sa nackground sa likod?!?!
Si mama! Sana magka-orchard din kami
Sana nga gawing orchard yung palayan namin. Para ndi maputik ahaha.

After that, nagtungo kami sa UPLB. Inkot namin. Nagpunta pa kami ng DTRI para bumili ng Fresh Milk at Choco Milk. Bale Carillon at Fertility Tree lang kami halos nag-stay.
maka-#InaKapatidAnak ang peg
Chamme and Joy sa likod ng Fertility Tree
Buong package na! With epals dun sa background
Nag-grocery muna kami sa bgong Savemore. Mas malaki pa rin talaga yung save more nung Santiago. Bumili din ako ng Mernel Cake. Treat ko sa pamilya ko. Yun na nga mismo ang lunch namin.
Cutting teh cake!
Ang sarap nito!
Glorified!
Supposedly, 8PM ng gabi sila magb-byahe. Pero kasi na-ospital yung lolo ko kasi nagsuka daw ng dugo. Kaya yun, 3PM palang eh nagsipagbalutan na sila. Awww.

Nakisakay ako sa kanila hanggan Calamba. Tapos Byee na. -hikbi-

Sana ihatid nila ulit ako next time.

1 comment:

  1. wow. ansaya ng paghatid sayo. haha. Makacar nga rin. haha

    ReplyDelete