Monday, December 24, 2012

Three Weeks na Christmas Vacation -Part 6.5-

Puro rants lang ito...

Okay, so supposedly after ng binyag eh pupunta kaming Birthday ng pinsan ko.

Nung nag-umpisa na, sinabi ni Father madami daw hindi na-attend nung required seminar. Either mag-binyag now then later ang seminar o seminar muna then binyag. Biglang nag-usok ang mga tenga ko nung narinig ko ito... Seminar? Oo umattend kasi ako nung seminar pero handami palang ndi na-attend tapos ngayon me OPTIONS? 

Kami sa grupo namin eh pinili yung binyag muna then later ang seminar. Sobrang naiinis ako nung madami ang nagtaas ng kamay nung seminar muna bago mag-binyag. FYI, tatlong oras ng kadramahan ang seminar na ito! WTH lang talaga kasi andaming ndi umattend nung required seminar tapos ipapaulit pa ngayon para sa mga umattend?!?! Unfair! 

Ayon, ndi na kami nakasama kina Mama sa Birthday nung pinsan ko. Sensya na.

May natutunan ako nung umattend ako ng seminar pero ayaw ko ng pakinggan ng dalawang beses. Nasayang ang tatlong oras ng December 25 ko dahil sa mga PILIPINONG hindi vina-value ang REQUIRED na event. 

I was sitting there with earphones plugged in my ears.

Si Joy naman eh nagbabasa ng wattpad sa cellphone ko.

Yung iba nag-eenjoy.

Yung iba natututo.

At kami, nabo-bore!

Wala akong problema sa simbahan at sa pari pati na sa lecture. Ang problema ko ay yung mga paimportanteng mga ninong at ninang. Mga eff kayo!

No comments:

Post a Comment