Sunday, December 23, 2012

Three Weeks na Christmas Vacation -Part 5-

Nagising ako nang sobrang aga kanina because it's the last day for Simbang Gabi. Oo, I'm one of those who only attends Simbang Gabi tuwing first day at last day. Hahaha. Kebels lang. Sabi ni Father kanina na hindi naman talaga mahalaga na atendahan ang siyam na araw kung wala naman dun yung puso't kaluluwa mo i.e. natutulog habang nasimba.

After nung simba, umuwi na kami, duh? 

Nainis lang ako kasi pinapalayas kami sa upuan namin sa labas ng simbahan. I wouldn't be sitting there kung merun kayong enough na upuan sa loob. So tayuan lang talaga?

Ako bali ang nagprepare sa cake. Then tumulong ako sa pag-gawa nang siomai. Grabe anghirap lang talaga pero sobrang sarap nung siomai na ginawa namin. Have some? Hindi pa luto yan. Me naluto na kanina pero ampangit nung image. Hahaha.


Sobrang punuan na naman ang skedyul ko. Haynakoh. Kapagod kaya mag-event hopping! May binyag sa 25, pati birthday din. Merun namang kasal sa 28 pati 30. Ay ewan. Yung design problem namin wala pang naumpisahan ee. Good luck samin.

Happy Birthday kay Papa Jesus!

Merry Christmas po sa ating lahat! 

Yung mga korni dyan, makisali nalang kayo!

No comments:

Post a Comment