Wednesday, December 19, 2012

Three Weeks na Christmas Vacation -Part 4-

Sobrang excited ang kapatid ko magmula pa noong Lunes. Christmas Program kasi nila ngayong Wednesday. Hindi na makatulog eh!

Sa Pilipinas, ang Christmas Program ang pinakamasayang araw sa buhay nang isang estudyante dahil finally bakasyon na ulit at syempre madamihang kainan ulit.

Kanina nga, nag-punta na sila Chamme, Mama, at Inang sa school. nagulat daw yung teacher nila kasi hindi daw siya nag-expect na me magdadala nang pagkain. Duh? Nung kami kaya ang elem eh me meeting pa kung sino-sino ang magdadala nang softdrinks, spaghetti, etc. Ngayon, ang handa ni Chamme ay yung Bibingka na inorder ni Mama sa palengke.

Naalala ko sobrang excited si Chamme kasi gusto niya malaman kung sino ang nakabunot sa kanya at siyempre ano ang ibibigay sa kanya. I told her not to expect something na bongga naman kasi hindi naman ata ganun ka-rich ang mga kaklase niya.

Noon kasi, nag-expect din ako. Noong grades 1 to 5 kasi, nag-study palang ako sa Diffun Central School (DCS). Medyo mayayaman at may kaya kasi ang mga klasmeyts ko dati kaya ang mga regalong matatanggap mo eh sure na magugustuhan mo. Yes, Nagustuhan ko lahat ng mga niregalo sa akin at ganun din sa mga niregaluhan ko.

Nag-expect ako. 

Nag-expect ako na ganun din ang case sa Cordon Central School (CCS). Hindi ko na maalala kung ano yung niregalo ko. Noong binigay na yung regalo ko... wow. Yun yung nakita kong binebenta sa palengke... yung complete set ng mga mumurahing toiletries! That set includes a towel (yung rough grade), some panyos (na hindi man lang makapunas ng pawis), lotion (na amoy pang-matanda), sabon (na saf*guard), shampoo, mirror, shampoo... at... ROSARY! Kaso yung rosary eh pang-porma lang kasi sobrang deformed na yung hitsura.

Sobrang nagunaw ang Christmas spirit ko. Sabi nga "It's better to give than to receive" pero I think applicable lang ito kung alam mo na hindi i-r-reciprocate yung act of giving mo. Pero shetness man! Alam mo kasi na bibigyan ka din ng regalo ee! Kaya ka nag-expect. 

Anyways, that was just a thing from the past. Nung nag-highschool na ako sa Philippine Science High School, balik bongga ang mga matatanggap mong regalo. Me stipends kasi from DOST every month kaya me pambili ka nang mamahaling regalo. Para hindi naman nakakadisappoint.

Ngayon, DOST scholar parin ako. Pero hindi na kami nagbibigayan ng gifts hahaha.

Anyways, balik sa storya ng kapatid ko.

Ito ang natanggap niya.


Kawawang bata. Yan ang napapala pag cheap ang section at cheap ang school. Kaya lesson! Wag na ulit mag-expect pag alam na cheap ang mga kaklase. Grabe, I saw that picture frame sa NOVO when I was accompanying my friend dun!!! Yes, yung NOVO na tahanan ng mga mumurahin at cheap na rejected items! Pero nabili din naman ako dun kung minsan eh. Pero laging ambilis masira or ndi ko magamit nang maayos.

Ito may photoshoot kuno ang kapatid ko. Angtaray niya lang dito ee!

Antaray niya dito eh! Like ko to!

Twitter Pic niya to

with gifts naman.

Mukhang maamo no? Don't judge a book by its cover! Maldita yan. Kaming tatlo nila Joy actually. Hahaha. Sigawan to the max kaming tatlo sa bahay kahapon at sobrang annoyed ang lola namin to the nth level.

Anyways... ito lang. Wala na akong maida-dagdag.

Next time ulit!

Byeeee!

No comments:

Post a Comment