Sunday, December 16, 2012

Three Weeks na Christmas Vacation -Part 3-

Kaninang madaling araw, ginising kami ni Mama around 3:30 AM. Magsisimbang gabi kasi kami.

Ang simbang gabi ay isa sa mga kilalang tradisyon dito sa Pilipinas tuwing Christmas season. It starts on December 16 and ends on December 24. So far, ang mga alam kong nagsi-simbang gabi ay mga Katoliko tsaka mga taga-Methodist. 

Nung medyo bata pa ako, sumasama ako sa simbang gabi ng lola ko sa Methodist Church. Me libreng kainan kasi after ng misa. Gustung-gusto ko yung cuo noodles nun. Ahahah. Dun sa dating sinisimbahan kasi namin sa Diffun eh walang pakain after ng misa eh.

Nung lumipat na kami sa Cordon, yung simbahan dun eh may pakainan every after ng misa. Sa tagal ko nang naninirahan sa Cordon, isang beses lang ako nanguha nung pabigay na pagkain. Last year lang ata yun? Sopas na nakaplastic cup yung dinistribute eh.

Kaninang umaga, sobrang aga namin para may maupuan kami; Kaso madami na agad tao. Sabi nga nila, tuwing umpisa at huli lang daw ng mga araw ng simbang gabi mapupuno ng tao ang simbahan.

Dun sa homily, nabanggit niya ang mga uri ng taong nagsisimba. Dalawa lang naalala ko dun sa mga sinabi niya: yung "simbabwe" at "KBL".

"Simbabwe" yung mga taong simba then uwe. Pag binigkas mo daw nang paulit-ulit... "Simbabwe, simbabwe, simbabwe..."

"KBL" naman yung mga taong sa "Kasal", "Binyag", at "Libing" lang na-attend ng simba.

After nung homily, naglecture si Father tungkol dun sa PCSO na project. Hindi yung yung Philippine Charity Sweepstake Office ah? PCSO eh something na me "peace" for P dun sa acronym. Hindi ko natandaan.

Nainis lang ako kasi sobrang na-focus dun sa PCSO yung lecture.

Tapos biglang nawalan ng kuryente... bam! Nasa PCSO lecture pa rin kami at sorang init sa loob ng simbahan.

Naglabasan na yung ibang mga tao... nakisama narin kami nila Joy at Chamme. Hanep lang eh. Walang kuryente yung simbahan pero yung mga buildings sa labas eh merun naman. Andami kasing mga palamuti sa labas. Maganda pero... yun nga. Nagpatuloy yung mass hanggang sa bumalik yung kuryente. 

Andami lang nagliligawan sa labas eh. Haynakoh. 

So bukas, ndi ko alam kung makakasama ulit ako. Sponsor kasi yung baranggay namin eh.

Let's see.

Goodnight!





-------------------------------

EXTRA!

Nung andun kami sa parking  area... Habang kumakain ng mani at mais...

(verbatim)

Joy: anu ulit yung bilog na chocolate?
Ako: anung bilog yun?
Joy: yung FERRARI ROACH...
Ako: Ferrari... what? FERRERO ROCHER yun!


Sorang tawa ko rito.

No comments:

Post a Comment