Friday, December 14, 2012

Three Weeks na Christmas Vacation -Part 2-

Finally I'm home na!

Grabe lang halos 20 hours ang biyahe ko from Los Banos to Cordon!!! Nakakainis lang eh, andaming road construction sa daan! Kasi yung tipong kada siyudad me road construction? Ndi nga! Talagang malapit na naman ang election. 

Pwede na dapat akong umuwe nang Thursday pero me long quiz pa ako nung Friday sa STS 1... Hanep yung long quiz... tipong unting-unti lang sa mga minemorize ko ang lumabas. Sad. pero agad na akong nagpasa. 

Merun pa ako nung i-s-submit na paper sa PSY 1... yung "Who am I?"...

Sinamahan ko pa si Carmine magpunta ng Library. After nun, kinuha ko na yung mga gamit ko from my Apartment. magkikita na lang daw kami ni Carmine sa Olivarez.

Nung nag-a-abang na ako ng jeep... Sobrang inip kasi punuan ee!

Sakto me jeep na me bakante sa tabi nung driver, doon na ako sumakay. Pagkaupo ko, biglang nahulog yung isa kong tsinelas! Homaygulay! Nataranta ako. Nag-para ako agad... 10 meters na ang pagitan ko dun sa isa kong tsinelas. Nilulon ko ang kahihiyan ko at tinakbo yung tsinelas ko. Medyo kahiya-hiya lang talaga kasi sakto mabagal ang daloy ng trapiko tsaka natapat 7/11 at Angel's Burger yung tsinelas. Madami lang tao ee  Haynakoh.

Around 1 PM na kami nakarating ng Cubao tsaka 3 PM yung pina-book ni Carmine. Nagpunta muna kaming Jollibee.

Medyo fun lang ang biyahe kasi matagal ko nang hindi kakwentuhan si Carmine. Andun yung sharing ng mga controversies at scandals na alam namin, mga intellectual sharing tungkol sa fields namin, mga plans for Christmas, mga movies na napanuod namin, etc.

Around 2 PM na nung nakarating akong Cordon.

Sobrang fun lang magbyahe tuwing Christmas vacation.

God Bless po sa ibang ba-biyahe ngayong weekend tsaka next week!


No comments:

Post a Comment