Saturday, December 1, 2012

storya ng kurso ko

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi talaga ako originally dapat enrolled sa degree program na B.S. Chemical Engineering sa UPLB.

Ang gusto ko talaga sanang kurso eh something na visual arts-related. Kaso ndi ako galing sa mayamang pamilya so hindi dapat kung "anu ang gusto ko" ang siyang masusunod. Although hindi naman parents ko ang nagdecide nung kurso ko. Ako lang pati na influence ng ibang friends ko.

Bale naalala ko pa ang "UP or no UP" na pinagsasabi namin. Hahaha. Sino bang hindi ma-p-pressure kung halos lahat kayo sa batch nyo eh expected dapat sa UP mag-aral? Ganyan ang pressure sa isang Pisay student.

Naalala ko rin, ndi talaga ako prepared sa mga entrance exams na iyan. Kasi late May na ng 2008 ako nag-start mag review eh halos lahat ng mga kaklase at ka-batch ko eh sa mga prestihiyosong review center nagpunta nung summer eh ako nag-piano lessons lang; unfortunately, hanggang ngayon basic level parin ako sa piano.

Nagpabili lang ako ng mga review books sa National Bookstore tapos yun na ang inaral ko. Araw-araw kon minememorize lahat ng mga andun. Bukod dun, nagkaroon din ng mga review sa Pisay na ang mga nagtuturo eh mga teachers namin since first year.

Ito na! Application na for UPCAT.
First Choice Campus: UP Los Banos
          First Choice Course: B.S. Food Technology
          Second Choice Course: B.S. Civil Engineering
Second Choice Campus: UP Diliman

Hindi ko alam kung bakit ganito ang itsura ng application ko. Los Banos ang inuna? Hello? Hindi nga yan ang first choice ng mga close friends ko eh! Kaso inisip ko mas maganda ang environment at mas mababa ang cost of living dito.

Tapos dahil gusto ko ng Chemistry pero ayoko ng B.S. Chemistry mismo, tumingin ako ng kursong punung puno ng Chem. Yun nga Food Tech. Food Tech kasi madaming Chem pero unting Math. Tsaka sabi ng Father ko maganda daw ang Food Related course pero ayoko naman ng Nutri kasi unti lang yung Chem.

Yung Second choice ko naman na Civ Eng eh pinagbigyan ko lang si Papa. Gusto kasi nya mag-Med ako pero sabi ko ayoko. So pinilit niya ako sa Civ Eng. So gora na! Sure naman ako nun na Food Tech ako mapupunta.

At yun na nga. UPCAT na! Pang second batch kami dun sa exam.

Ito ang isa sa hindi ko makakalimutang nangyari! Kasi yung setting eh sa library tapos ang isang mahabang mesa dapat tatlo ang nakaupo. Pinagtaon na naka-table ko si Eric Limos (ang aking archenemy that time) pero buti merun si Ate from other school na umupo sa gitna namin. Tawagin natin si Ate na #Himatay_Girl. Bakit? Me storya yan!

Me time limit per category yung exam. Sobrang inaral ko per item kasi write minus rong ang siste ng UPCAT. Ang pinakatanda ko eh yung sa Math part. Kasi out of nowhere, si #Himatay_Girl eh nahimatay nga! Holy pwet! Akala ko kung anung disaster na pero nag-faint lang pla si Ate. Sobrang eye-catcher yung eksena. Andaming bulungan yadah yadah sa paligid ligid.

Ayon, kinarga si Ate dun sa me lobby tapos pinaypayan at pinainom ng tubig. Hindi na niya tinuloy yung Math part pero tinuloy niya yung sa Reading Comprehension na part.

After nung exam, sobrang windang ako. Ito na ang pinakamahirap na exam na naranasan ko that time. 
Pero shemay, mas mahirap pa ang exam pag pumasok kana sa UP at nagt-take kana ng majors mo!

Naalala ko si Hanna ang kasama ko umuwi that night kasi si Marissa at Yani eh nagsabay na. Si Jhona ata ay pang-umaga? Ndi ako sure.

After ilang months lumabas na ang resulta. Tadaan! Pumasa ako ng B.S. Food Technology sa UPLB. Pati mga iba kong friends pumasa din! Pero unfortunately si Jhona eh ndi pumasa sa choice school at course niya kasi quota course mga pinili niya. Pero sabi ni Sir Edz na ilalakad daw niya ung kaso ni Jhona. Kaya yun, napilit ko siyang mag Food Tech din with me sa UPLB!

Hehehe.

Hindi ko alam ang choice ko na yon ang magtatanggal sakin ng pag-asa para mag-UP.

Yes, pumasa ako sa DOST-SEI Merit A. Tuwang tuwa ako. Hanggang nung orientation kung saan nalaman kong hindi pala pwede sa Merit A ang course na Food Tech.

Alam mo yung feeling na nabasag mga pangarap mo? Yun iyon. Oa masyado pero down na down ako that time.

Hindi ko alam kung bakit ganun. Sa mga RA scholars pwede ang kahit na anong kurso sa kahit na anong school pero pag Merit scholar limited na nga ang school eh limited pa ang kurso! Unfair! Napapa-holy-pwet tuloy ako nun kasi sobrang nadisappoint ako.

Nung pag-uwi ko chineck ko website ng UP at nalaman kong 1k per unit ang kalakaran! Ang mahal! Sobra. Hindi namin kayang bayaran ang 22000 Php per semestre. Kailangan ko nung scholarship pero yung gusto kong kurso at school eh dapat i-sacrifice.

Kaya pinilit ako magtake ni Papa ng SLUCEE. Kinuha ko na yung sure na nasa DOST Merit A. B.S. Biology. Oo gusto ko ng Bio pero... hindi ko na nga feel kumuha ng Science course tapos yung gusto ko na kurso eh ipagkakait pa?

Pumasa ako ng SLUCEE. Pero lingid sa kaalaman ng parents ko, ayaw kong magtuloy doon.

Naghanap nga ako ng mga paraan hanggang naalala ko yung sabi sa DOST orientation na pwede naman daw mag-defer muna for one sem tsaka lumipat ng kurso para ma-avail yung scholarship. Isa sa mga kursong pumasok sa standards ko (me ganun?) ang kursong B.S. Chemical Engineering. Kasi ma-chem din tsaka pede sa Merit A.

Naiiyak pa ako nun habang kausap ako ni Mama. Kesyo sila daw nuon wulang choice kung anung gusto nilang kurso at school kaya napilitan daw si Mama na mag Home Economics under government program na "Study Now, Pay Later". Si Papa naman gusto mag Vet Med pero yun kapos kaya inisip lang daw niya na mag-graduate kaya ginora na niya ang Agriculture. At sa parehong school sila nagaral at nagmeet kaya yun. Hahaha.

Sabi din ni Mama maganda daw yung title na "Engr." na maidikit sa pangalan ko unlike pag Food Tech na "Mr." lang. Naconvince ako nito, believe it or not.

Nag e-mail ako registrar ng UPLB. Ito ang nakalagay sa e-mail ko.

>From: "joel_jman@yahoo.com.ph"
>To: UPLB Registar <registrar@uplb.edu.ph>
>Sent: April 18, 2009
>Subject: CHANGE COURSE
>
> Good Day Ma'am.
>
> I've already confirmed my slot for B.S. Food Technology online and  submitted the 3 reply slips that were asked to be submitted before  march 30, 2009.
>
> The question is if I can change my course to B.S. Chemical  Engineering before the enrollment date, May 8, 2009.
>
> Reason/s for the change of course:
> 1.) DOST-SEI - my course isn't enlisted as one of the priority  courses but chemical engineering is. [My second choice is B.S.  Chemical Engineering]
> 2.) Inclination of my abilities to B.S. Chemical Engineering.
> 3.) Parent's Influence.
>
> I really want to change my course because of the financial  assistance and of course because of my capabilities as a student in  pursuing B.S. Chemical Engineering.
>
> Please reconsider my request.
> Thanks.
>
> Joel Marc A. Ngohayon
> Incoming Freshmen

Okay medyo nagsinungaling ako ng unti dito kasi ndi B.S. Chem Eng ng 2nd choice ko kundi B.S. Civ Eng. Pero gora na! Nasa isip ko parin yung "UP or no UP" eh.

Oh nagulat ako me nagreply!

>From: "macericarte@uplb.edu.ph" <macericarte@uplb.edu.ph>
>To: Joel Marc Ngohayon <joel_jman@yahoo.com.ph>
>Sent: Monday, April 20, 2009 8:25:29 AM
>Subject: Re: CHANGE COURSE
>

>Please write a formal letter request addressed to the University Registrar requesting for the change in your degree program. Kindly attach a copy of the DOST notice sent to you.
>
>Please submit/send the letter to the Office of the University Registrar as soon as possible for appropriate action.
>
>Thank you.

Kaya yun agad agad gumawa ako ng Formal Letter! Pero Hindi ko na mahanap. Hindi ata kasi e-mail kundi telegram yun eh.

Tapos eto nagsent ako ng letter (e-mail) of complaint sa DOST-SEI management. Ang yabang eh! Hindi naman.
Both parties ang me kasalanan.

NOTE: Medyo amateurish pa ang English ko dito! Me minor Edit pero yung iba, ndi na para me katatawanan. Hahaha
>Dear Dr. Ogena,
>
>Last DOST-SEI Scholarship Admission Test, we were given slips of paper showing us our categorization. There were only two check boxes, the Merit Scholarship and the RA Scholarship. Before we took the exam, we were instructed to fill out some informations. We were also instructed to write down the top 3 courses that we'll take up in college; we were to choose from a list.
>
>The problem is that we were not oriented [properly] and [we weren't] informed which of the courses are under Merit Scholarship and under RA Scholarship.
>
>During the orientation held last April 17, 2009 at the Regional DOST Center of Region 2, almost everyone [including the parents] were "shocked" because the courses they wanted weren't valid for their respective scholarships [particularly the Merit A and the Merit B scholarships].
>
>Take me for example.
>
>I passed the University of the Philippines Admission Test under the course B.S. Food Technology. [You can literally see] The shocked on my face when I [learned] that my course wasn't listed under the Merit A Courses offered; [however,] it [was included] in the RA courses offered. The problem is [that] we were not informed during the DOST-SEI examination on which courses are under [the three different] types of [DOST] scholarship.
>
>I would like to request that on the next DOST-SEI Scholarship Admission Test, the students should be [well] informed on the [valid] courses and to which type of scholarship each course is under [in order] to avoid complications and anomalies [just like my case].
>
>Very truly yours,
>JOEL MARC A. NGOHAYON
>[Concerned] Student from Philippine Science High School - Cagayan Valley Campus
>Region 2

Yan sinend ko ng ilang beses pero wulang nag-reply ahahah!

Tapos dumating ng nga yung time for enrollment. Bale kasi me bagyo nung scheduled date of enrollment ko kaya dun sa following week ako nag-enroll.

Baon ang pag-asang ma-change course ako at pati narin ang 22k saka-sakaling ndi tanggapin yung Formal Request ko, nagtungo na kaming UPLB. Pero that time four working days lang ang OUR; ngayon ndi na. Kaya dumeretso muna kami sa Dorms. Aba! Merun pang bakante nung nagpareserve kami. Me pini-fill-out-an na form at included dun ang kurso mo. -sigh- Nilagay ko B.S. Food Tech.

Kinaumagan, nagtungo na kami sa OUR. Kinuha ko yung Form 5 ko at laking tuwa ko ko...

NGOHAYON, JOEL MARC A.
2009 - 48467
B.S. CHEMICAL ENGINEERING
1ST SEM 2009-2010
BRACKET B

Syempre natuwa din parents ko. Dumeretso na kaming Piccard para kunin yung DOST Recommendation. Ewan, 6000 Php ang bawas sa tuition ng mga Merit Scholars. Okay narin. Kelangan kasi talaga ng scholarship pag college.

After nun, assesment. Tsaka Bayaran sa cashier! Weeh! Kuha ng classcards and officially enrolled na ako sa UPLB! Ang saya ko nung araw na yun; well at least partially masaya. Kasi nkatungtong din sa UPLB.

Me nakita kasi akong picture nila Mama at Papa na picture sa Facade ng UPLB. Hahaha. Gusto ko din magpa-picture doon!

Umuwi na kami after nun.

Nung pasukan na, medyo excited at nervous ako kasi mag-d-dorm ako! Hindi na ako masyadong takot mahiwalay sa parents kasi nga medyo sanay na ako nung Pisay days.

Pumasok nga ako sa designated room ko sa Room 1212 Unit 1 Men's Dorm. Nakita ko agad yung dalawang roomies ko! Tinanung ko anung course nila?

B.S. Food Technology

Patay. Nakalimutan ko me pina-fill-out-an na form sakin dati at ndi ko nabaga ng B.S. Chem Eng. Kaya yun! Ang nag-iisang Chem Eng sa Unit ng mga "Others". I wish nandun ako sa Unit 4 kasi andun yung mga "Engineers".

Pero keri narin. Wula masyadong pressure.

Isa sa ndi ko makakalimutan ko nung araw na yun yung Tour around UPLB. Putik ndi ko alam ang block ko! Bmalik pa talga akong dorm para tignan sa Form 5 ko. T1 ang block ko pero sa CD1 ako napasama kasi naka-alis na yung mga kablock ko. 

Bale napasama nalang ako nung nandun na sa Bio Sci. Funny lang eh. Nilibot namin buong UPLB Lower Campus. Pagod na Pagod ako grabe! Yung tipo kasing uulan then aaraw. Sakit sa ulo lang.

Yun na yun. Ang storya ng kurso kong B.S. Chemical Engineer pati na mga side stories na naaalala ko.

Miss ko na ang NF days kung saan pa-walang-care lang kasi we learned na yung mga Calculus and Chemistry sa Pisay. Hahaha.

Handog ko ito sa mga laging nagtatanung kung ano ang kurso ko. Bakit yan ang kurso mo?

Good Day!


No comments:

Post a Comment