Saturday, December 1, 2012

Naisalbang e-mail!


Nag-aayos ako ng mga e-mails kanina nung naalala ko to check kung merun parin yung mga sent e-mails ko. Naalala ko itong e-mail na ito kasi documented dito yung mga pangyayari just before graduation ko from pisay cvc at bago pumasok sa uplb.

Enjoy reading! Inedit ko yung ibang parts kasi kaiyak-iyak ang grammar. Pero unti lang naman. As in 0.05% ng original text. Yung ibang grammar error ni-retain ko na para me matawanan lang.

-----------------------------------------------
E-mail Details:
Sent to: Jonalyn Cabanero (cousin na nasa Canada)
Sent date: 6/13/2009
-----------------------------------------------


Hi poh!

Good Day! Kamuzta na kayung lahat dyan? Kami, okay lang. Same old. Nyahahaha. Malapit na ang pasukan namin. Super kinakabahan ako grabe. 

Okay lang nan sina mama, papa, inang, at chamme. Grade 1 na ci chamme, at very outspoken. <nakakairita nga ang pagiging madaldal nya> Si Joy nan… tinapos niya yung first year sa St. Mark pero lilipat na siya sa CNSAT??? Hindi ko alam kung yun yung skul name pero me –SAT sa huli eh. Tumangkad nga siya eh pero syempre mas matangkad parin ako, nyahahaha!

Si Inang… yun masungit parin. JOWK! Okay lang siya. Di na masyadong hina-highblood <literally> pero lagi siyang hina-highblood sakin for some reason I find childish nan. Ewan. Ang sungit niya saken. Bumaket gamin a talagan. <Minsan nga napaiyak ako kasi pinagbintangan niya ako e di naman niya nakita na may ginawa ako.> hmf. Makes my blood boil. <literally>

Anu na kaya mangyayari saken sa UPLB? Kakatakot bumyahe kasi yung A(H1N1) na yan. Meron na sa Metro Manila at madami na ding infected. Shivers. Sana hindi ako mahawa. Sana kayo din kaya ingat kayo dyan at laging… Maghugas ng kamay! <COMMERCIAL ng safeguard> wahahaha. Hirap din pala ng college life kasi gabi na yung ibang subjects ko. Mga 8 pm matatapos yung last subject ko… huhuhu… OA ba? 7 pm lang kadi. Bored ako,…

Uy pagbutihin mu din sa pag-aaral ah? 

Speaking of pag-aaral… nakakaingit mga klasmeyt kong iba kasi spoon-fed cila… Ako kailangan ko pa maghirap… Nakakainis!!! Nakakaingit kasi cila nag-aaral na ako nagluluto pa… Pero buti nalang talaga napasama pa ko sa Dean’s List. Ha!

Ay naikwento ko na ba? Nung third year high school ako eh… nagkagrade ako ng 5.00 <oo, singko> sa Math Trigonometry?! Shocking! At dun… dahil dun pinagbutihan ko talaga ang pag-aaral.  Ang plan ko nga lang maging average student lang sa Philippine Science High School eh… pero dahil sa nangyaring yun nagging isa pa ko sa mga medyo mataas ang grades. As in super aral. Namili talaga ako ng frendz na makakapag-influence sakin ng todo. Kasi yung frend kong dati nung third year, eh sya ang humila sakin sa BELOW AVERAGE. Gosh! Nakakahiya pero totoo. Lam ko pangit mamili ng frendz pero atleast I can guarantee my future, right? <Jinu-justify ko na naman sarili ko… hahaha>.

Nung fourth year na ako eh todo todo na. Super at maiyak pa ko pag me grade akong below 2.00 eh dati okay na sakin ang 2.00. Pero never akong nag-1.00. Pinakamataas ko lang ang 1.25. With my favorite subject, CHEMISTRY! Ang saya saya ng chem! Kaya naman food tech ang pinili kong course. Pero nagmail ako sa UP kung pwede magchange to Chemical Engineering at yun, granted. B.S. Chem Eng na ko ngayung. Me Chemistry parin. Whahahah. Funny, no? I guess not.


Ang daming nagbago sakin… Super. Super Dami.

I hope ure all okay. Muzta nan ang relationship nyu sa isa’t isa? 

Uy thanks nga pala sa gift  mu sakin ah! Tenchu talaga! Arigatou gozaimasu!

Ay oo… Am trying to learn how  to read Japanese calligraphy and Japanese language. Konti lang alam ko. Yknow why? Kasi gusto ko magwork sa Japan someday! Addict ako sa manga <Japanese comics> at mga Anima <Japanese cartoons>. Kasi naho-hone ang talent ko sa pag-draw… Wahaha! 

Tenchu! Tenchu! Tenchu! <hindi to Japanese ah, Filipino slang sa Thank You yan wahahaha!>

Ay nga pala… Ci Tito Roger, yung father ni Joy, nagasawa na ulit. So may bago nang Nanang si Joy. May kapatid na nga eh. Kaya yun din na siya masyadong bumibisita dito. Nung meron lang sina Wayne at Clifford.

Si wayne malaki na… Si Clifford din! Wenks. Si wayne madaldal albeit di ko nan naintindhan sinsabi niya kasi kamampangan. Wenks talaga. Si Clifford. He makes sounds na trinatranslate ni Tita melda. Ewan kung panu niya nagawa yun pero as they say mother knows best. I think!

Hahabaan ko na tong sulat ko ha. Kasi baka matagal na naman akong di mag e-mail.

Si Joy pinakita niya sakin yung crush niya! Okay lang nan. Tapos knikwento nya sakin na may nagsusulat daw sa kanya ng love letter! Yes! Love Letter! Ancient strategy to court a girl! Sorry. It’s not ancient pero classic pala. <OA ko talaga> Pero girl din naman pala yung nagsulat nung love letter. Ahahaha!

Si inang mahilig parin sa mangga.

Hindi na ko masyadong nakakapunta sa Diffun. Dati, last summer, nagpiano lessons ako ke Ms. Naui. Pero nagquit ako kasi mas prinaoritize ko ang admission test ko sa UP. Kasi nan no mga May na ko nagsimula eh August na ang exam. Super rush ako sa pagreview ng mga notes ko from Grade 6 to Third Year. Fortunately meron parin yung mga notes ko.

Speaking of Diffun. Me problema yung household sa bahay nyo. Ewan nakikinig lang ako. Me iringan daw between Manang Vilma and yung tita nyu. Ewan Ewan Ewan.

NOTE: Habang stinatype ko to, nagpapanggap akong tulog para di ako isama sa pupuntahan nila mama.

Wahaha!

Ang dami dami daw UP students na activists. Ako I will never be an activist. Hindi nan sa selfish ako na I don’t care what happens to Philippines, ah. Pero talagang ayoko. Study Study Study. Later na ang pag-e-enjoy.

Kinakakain ko ngayon un Cadbury… diba me melanin to? Jowk! Uy Tenchu Tenchu talaga. Ang dami nang nagbigay sakin ng chocolate ngaung summer. <Totoo palang ung content na Serotonin ng chocolate makes you happy>

Nabasa mu na yung Twilight Novels? Ala akong  pambili nung books kaya nagdodownload nalang ako sa Net ng manuscript nya. Super popular siya dito. Si Joy adik sa movie nya… Jowk. Yung monthly stipend ko na 2500 eh lagging nauubos sa pagkain… wenks!

After ko mag-graduate… hindi ko pa alam… ahahaha. I’m still unsure of my future eh… Kasi gusto ko ng Arts related na course pero me contract ako nung highskul na dapat science course. Kaya un chem. Eng. Ang saya saya tlaga ng buhay. <sarcastic>

Kamuzta napa ala mga kapatid mu? Ni manong don-don ken manong joemel? Nag-aaral din ba sila? Ni auntie mely ken uncle junior? Good terms ba?

Wenks ala na ko masabi…

Ayun. Good day nalang at lagging pakabait. And always pray! <I find this effective tlaga> <Hindi ako nagkakanightmare>

So that concludes my message and balita.

P.S. Uy mamati ka iti Luck? Kasi totoo daw. Wenks.

No comments:

Post a Comment