Sunday, November 25, 2012

Some stories from "Overheard at UP" - 02

NOTE: originally posted by Pau Garcia

Kilig na eh tapos bigla n ako napatawa. Nevertheless, ang cute ng kwento - Skye

SIDE MIRROR SPARKS.
"Breathtaking." - NY Times
"Comparable to Harry Potter." - J.K. Rowling


Bandang 5pm kahapon (November 22, 2012) nang sumakay ako ng Jeep papuntang UP Campus galing Q.Ave. MRT. 6:30 ang klase ko and I was on leave from work so I was in my usual plain shirt-maong-slippers outfit. (I'm taking a post-grad degree.)
Hindi talaga ako uumupo sa may tabi ng driver dahil feeling ko lahat ng alikabok at usok sa kalsada ay nalalanghap ko. Plus, hassle kpg nsa my kambyo ka. Pati ako parang nakakambyo din. @_@ Pero for some odd reasons, I took the front seat. When I got in, may nakaupo na right beside the driver. So sa outer seat na ako.

Si Kuyang nakatabi ko ay maputi, matangkad, mejo stubbled at halatang kumukuha din ng post-grad degree dahil mukhang galing din xa ng work. Except sa pagiging maputi, sya ang tipo ko. Naka pang opisina si kuya, at may dalang Dell na laptop. Bilang mukhang he belonged to the top of the food chain, hindi ko sya maxadong pinapansin. Xempre yung mga nsa tuktok ng food chain ay nsa tuktok din ng food chain ang hanap. So ayun.

I just went on to read my little black book. Nagsa-sounds din ako on its max volume so wala tlga akong nararamdaman sa paligid ko. Pero nahalata ko sa peripheral view ko na parang nakikibasa si kuya sa binabasa ko. I felt awkward so I kept my book. Instead, inenjoy ko na lang ung pinapakinggan ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa kalsada at inaalala na kung matawag ako sa recitation sa araw na un ay tiyak na nganga ako. (Sa klase namin, ang recitation ay at least isang oras at unlike sa undergrad, kelangan mong tumayo.)

Dahil sa labas ako nakatingin, hindi ko maiwasang mapatingin din sa side mirror. There I saw kuya looking at me. At first, deadma lang muna. Ayoko magpaka-assumptionista. And I wasn't really sure if he was looking at me or somebody else through the side mirror.

Pero everytime na mapapatingin ako sa side mirror, nakatingin din si kuya. Bandang Lung Center nang maniwala na ako sa sarili ko na ako ang tinitingnan ni kuya. He was charming, neat and looked pretty decent. At that point, nalagpasan ko na ang denial stage. Mukhang interesado nga si kuya. Pero dahil maraming naglalaro sa isip ko that time, deadma pa rin ako. I tried looking at him as well pero poker face lang. As in poker face. Ayokong mag-pokpok face. I defied one of my mantras in life which is: TO BE INTERESTING, YOU HAVE TO BE INTERESTED. I didn't show interest.

Pero ganun pa din. Mahaba ang biyahe. Si kuya, tingin pa rin ng tingin. At ako, isang hamak na nasa ibaba lng ng food chain, ay nakipagtinginan na rin. Minsan lang to sa buhay mangyari. True love ito kung sakali. Mahahabang tinginan ang naganap. Hindi ko nga lang sure kung malagkit ung tingin na un. Aside from the side mirror stares, nakikita ko rin through the side mirror na sumisimpleng tingin si kuya sa akin mula ulo hanggang paa. Mejo off ako sa ganun dahil feeling ko pinpresyuhan ni kuya ang over-all look ko. Mukhang kinukwenta nya kung mgkano aabot ang suot ko mula ulo hanggang paa. Pero keri lang.

Bandang CP Garcia ng i-cross ni kuya ang kanyang braso at ramdam na ramdam ko, buong-buo, solid na solid, ang pagsayad ng kamay ni kuya sa braso ko sabay titig sa side mirror. Uminit ang batok ko bigla. Confirmed. SPARKS! Even more than sparks! MERALCO! Interesado si kuya. Pero dahil hindi naman si kuya nangalabit, I took the gesture na wala lang. Hndi pa rin ako ngrespond. Poker face pa rin. Pero natuwa ako na hindi si kuya nang-harass. Marami na akong naranasang pagpapapansin sa MRT which bordered sa panghaharass kaya mejo natuwa ako kay kuya. Hindi sya aggressive.

Pagpasok ng Univ. Ave., tuloy pa rin ang side mirror escapades namin. Pero poker face pa rin ako. Si kuya, halatang balisang balisa na. Hndi na alam ang gagawin. Buong akala ko bababa na sya ng AS. Pero hindi. Ako naman ay sa may unahan ng Vinzons bababa. Naisip ko, maaring sa Econ bumaba si kuya. Pero hindi pa rin. So ayun, pagdating ng Econ, bumaba na ako. Pero bago ako bumaba, tiningnan ko ulit si kuya. Bumaba na ako dahil naisip ko, kung bababa rin si kuya pwede pa kaming makapagusap dahil maglalakad pa ako ng konti. And as expected, nakatingin din si kuya and finally, ngumiti na sya. Pero hndi! Hindi sya bumaba!
But wait! There's more!

Pagbaba ko ng Econ, tumawid na ako ng jogging lane. Mejo matagal na tumigil ang jeep sa econ so naunahan ko na ito. Pero nang nalagpasan ako ulit ng jeep, pagtingin ko sa jeep, si kuya nakalingon at nakatitig pa rin sa akin. Pero ayun poker face pa rin ako. May nag-overtake na jeep so nawala titig ni kuya. Nung may chance sya ulit na tingnan ako, ayun lumingon sya ulit. Umasa ako. Umasa ako na bababa si kuya. Pero hindi.

At doon na natapos ang halos tatlumpung minutong pakikipagtitigan (through the side mirror) at pakikiramdam.

Pero hanggang natapos ang araw, hindi pa rin si kuya nawala sa isip ko. Wala akong naintindihan sa klase ko nung araw na un dahil kay kuya.

Ngayon, nagbabakasakali ako na nakiki-OVerheard si kuya. Kung wala man sya dito, marami akong babauning aral mula sa karanasang iyon. Isa na doon ang pagsuot ng ID. Kung suot ko ang ID ko nun, malamang nakuha ni kuya ung full name ko at hinanap nya ako sa facebook.

Kung sakaling kaibigan ka ni kuya at may naikwento sya sainyong kagaya nito, pakisabihan na lng sya. Mamaya, sasakay ako ulit ng jeep bandang 5pm. Magbabakasakali.

Alam kong tila hindi tanggap ng mga konserbatibo sa lipunan ang mga gesture na kagaya nito pero sana maintindihan ninyo dahil yes, Kuya din ako. :D

No comments:

Post a Comment