Sunday, November 25, 2012

Some stories from "Overheard at UP" - 01

NOTE: originally posted by Kristene Cabasag Ortiz

Way! Ang kyut ng story na ito. Nakaka-inlove! - Skye

Upuan. Ballpen. Dalawang tao. Strangers.

source: https://fbcdn-sphotos-f-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash4/299449_473967475959295_196749419_n.jpg
 Nagsimula sa tanong at curiosity ni Chino.

"Hi, anong klase mo dito?"

Maliit lang yung sulat niya. First time mag vandal kasi bad daw yun. Pero ginawa padin niya. Hoping na may sasagot.

Soil1 ang klase ni Iteng nun. yung upuan na sinulatan ni chino ay sa katabi ni Iteng. Nakita ni Iteng na sinulat nito ang salitang:

"Soil1 po, why?"

She just shrugged. and told her self: Nice, vandal vandal din.
Not knowing na yung upuan na yon ay para sakanya.

Next meeting. Pagdating na pagdating niya eh nabasa niya agad ang mga salitang nakavandal sa upuan niya.

"Ah, anong ginagawa niyo dun? Nagtatanim? - Chino"

Since isa siyang Agri student at sawang sawa na na ikonek na pag Agri eh pagtatanim agad.

Sumagot siya.

"Pag ba Soil1 nagtatanim agad? di ba pwedeng inaaral muna at sinusukat ang physical at chemical composition ng lupa? - Iteng"

Nag smirk siya. at pinakita pa sa mga katabi ang ginawa.
Hindi niya alam pero naexcite siyang may sumagot. Pero di naman siya nag expect.

Next meeting.
galing siya sa BioSci. At hingal na hingal silang umupo.
Agad na sinilip ni Iteng ang upuan niya.

"Ah, scientific pala ang approach niyo sa pagtatanim. - Chino"

Naisip niya: ang kulit naman nito ni Kuya. Hindi nga kami nagtatanim dito.

So sinabi nya:

"Uhm, parang mas pagtatanim sa CropScience."
at para maiba ang usapan eh dagdag niya:
"Ikaw, ano class mo here? - Iteng"

Next meeting. Nagstart na siyang matuwa dahil may nakakausap siyang tao pero limited na time lang. At tipong matagal ang sagot at kelangan mo talagang mag intay.

Nagreply si Chino. Wala siyang kakilalang Chino at nakucurious nadin siya kung sino to. Baka mamaya eh kakilala pala niya.

"Math 38 po. - Chino."

"Ah, MATHalino pala to eh. - Iteng."

at nag intay nanaman siya ng 1 araw para malaman ang susunod na sagot dito.

"Ah, hindi po ako MATHalino, sit-in lang po ako dito. - Chino"

"Nice. Ikaw na constant sit-in. Anong course mo? - Iteng."

Akala niya eh dun an yon matatapos since baka ayaw ipaalam ni Chino ang course niya. Pero hindi..

"APHY po ako. - Chino"

"Ah wow, APHY pala to. - Iteng"

Nagdaanan nanaman ang araw at pag pasok niya, may nagsulat na iba.

mga comments ng ibang tao.

May nagsabi ng: "Ay ang cute nyo naman."
Yung iba: "Kinikilig ako sa inyo."
At may nagsabi din na: "Dapat ang title nito eh 'Love story on the Monoblock." in pink markers pa.

Natatawa nalang si Iteng sa mga comment nila.

Nagsulat ulit si Chino. Nagreply sa mga bagong kausap nila sa upuan.

"Ah. hindi ko po mabasa T.T - Chino" pertaining don sa nagsulat in pink markers. Nabubura na kasi.

"Taken na po ako. - Chino" Sagot naman niya sa mga comment ng kinilig sa kanila ni Iteng.

Natutuwa si Iteng sa mga nabasa.

"Same here. - Iteng" reply niya sa 'taken na po ako' ni Chino.

May nag sulat pang iba at sabing: "For granted? - D"

HAHA. Aliw na aliw si Iteng sa mga nagcocomment.

Next meeting eh may humapyaw pa ng: Bagay kayo! HAHAHAHA. Agad agad?

Napaisip lang si Iteng kung bakit naging bagay agad sila at kung bakit kinikilig ang mga tao eh tungkol naman sa subject yung pinag usapan nila.

Nagcomment si Chino: "Iteng, bakit ang dami nating fans?"

At nagreply si Iteng: "Ewan ko din eh :)"

Hindi na nagrereply si Chino after nun. baka hindi na pumasok. Isip ni Iteng.

May nagvandal pa na nagsabing: hi Chino, hi Iteng! bagay kayo! - Stel

HAHA. "Hi Stel." nalang ang naireply ni Iteng habang natatawa. Mga tao nga naman.

Naglagay siya ng panibagong sulat: "Sophomore ako, kayo ba? - Iteng"

At si Chino lang ang nagreply. "Batch 11 ako!"
At natatawang sinabi ni Iteng: "Weh? for real?"

Hindi siya naniniwala.

Nagsulat ulit si Chino: "Aw, paubos na ang space na susulatan."
At sagot ni Iteng: "Paalam na ba? HAHA."

Pero hindi pa don natapos ang lahat.

Sinabi ni Chino: "Ay single na pala ulit ako."

At may nagcomment: "Iteng! single na daw ulit si Chino?"
Tsaka: "Single na ulit si Chino, Ba't di nyo nalang kasi ibigay yung number nyo sa isa't isa?"

At kinomment ni Iteng ang tunay niyang pangalan. Bahala na si Batman. baka mahuli pa siya sa ginawa niya. Kaya naman sinulat niya ito sa pinatuyong correction fluid. Para madaling matanggal. If ever.

Hoping na mabasa agad yun ni Chino.
Pero hindi. Kasi walag nagreply. As in linggo na ang dumaan. May ibang comment na: "Ang cute nyo" "Bagay kayo" and the likes. Pero walang reply si Chino.

May nagcomment pa sa lumang reply ni Chino na 'taken na daw siya' at sinabing: "Mas madaling hulihin ang nakataling manok. Just saying."

At napatawa nalang din siya.

Wala ng Chino na nagrereply. wala nadin yung iba.

Haggang sa may nagsulat: "Ano na nangyari?"

At sumagot si Iteng: "Wala na :)"

Nalungkot siya. kaya nagsulat siya : "Mamimiss ko to :("
Dahil totoo naman.

Next meeting eh may nagreply sakanya: " Itong upuan o si Chino?"

"Both :)" ang sinagot niya.

Since wala paring umaadd sakanya sa FB na nagsasabing siya si Chino eh binura na niya yung pangalan niya.

Malapit na matapos ang sem at wala na si Chino.

Hanggang sa..

"Iteng, pwede ba kitang iadd sa FB? - Chino"

Napangiti si Iteng at sinulat ang emailadd niya.

Such a risky thing to do pero bahala na. Gusto niyang makilala si Chino.

One time eh nagbukas siya ng FB at may nagmessage sakanya.

"Hi :) - Chino."

Nakakatuwa dahil thru a chair eh naging magkaibigan ang dalawang tao na hindi magkakilala o hindi pa nagkakakilala.
At sana, sa totoong buhay, ay magkakilala sila, kahit mga magkaibigan lang, at balang araw ay maaalala nila kung pano sila nagkakilala dahil sa isang UPUAN.

*WAKAS*

No comments:

Post a Comment