Thursday, November 1, 2012

Grave Hopping DAY 2 [2012.11.02]

Maaga ulit gumising... medyo wala na ako sa mood mamasyal ngayon.

Pumunta muna kami sa sementary dito sa Cordon para bisitahin yung punto ni Lola Francisca (aka Koring). Pangalawang taon na niya at since pagkamatay niya.

Bumili kami ni Chamme nung tokong. Parang proben pero ibang parte ng manok yun.

Tapos, dumeretso kami ng Cabarroguis para naman bisitahin si Tita Priscilla (aka Cila). Kasama namin dun si Joy pati na stepmom niya. Umiyak din si Inang.

Pagkatapos dun, nagpunta na kami sa Diffun para bisitahin yung kapatid kong si Joshua. Kung nabuhay man siya, dapat eh Fourth Year High School na siya. Sayang... Well, medyo pawala na rin yung puntod niya kasi me nakipatong sa 1/4 nung semento niya. Naiinis ako dun sa mga gumawa nun. Haynakoh.

Tapos balik Cordon na! Nagpaiwan na ako habang naki-birthday naman sila Mama.

Birthday pala ni Clifford (anak ni Tita Melda) saka ni Junjun (anak ni Tito Armenio). Happy Birthday!



No comments:

Post a Comment