Thursday, November 1, 2012

Grave Hopping DAY 1 [2012.11.01]

Sobrang aga kong gumising ngayong araw na ito. Ayoko kasi na ako ang dahilan para ma-late kami. Atsaka ayoko din sanang abutin ng dilim sa daan; ndi dahil araw ng patay bukas, ah!

Si Joy, umuwi sa kanila. Kami naman eh nagpunta sa mga relatives ko sa father side.

Nagtigil muna kami sa bahay ni Ama sa Potia para magluto ng kakanin. Well, inabot kami ng tanghali. Kwento kwento muna kami nila Faith at PJ tungkol sa academic life etc.

Tapos around 1PM eh nagpunta na kami sa Caragasan para dalawin sila Ina Rosa (Mother ni Dad), Tito Victor (Third child nila Ama), Tito Junior (Eighth child nila Ama), at si Manang Vangie (Anak nila Tito Johnny).

Yung cemetery ay nasa taas ng burol at nasa gitna ng corn field. Mahirap ang daan; we had to leave our cars dun sa me lumang elementary school na pinag-aralan nila Dad. Pero ako, naki-angkas ako sa motorcycle habang naglalakad ang iba. Hehehe.

Mainit dun sa may cemetary. Grabe wula man lang roof yung enclosure na ginawa nila. Tolda lang! Tapos madami pang insects everywhere... plus me mga uod na ewwness! hahaha.

Pininturahan nila yung mga puntod. Tapos nag-rosary kami. Tsaka nag-snacks. Finally, bye bye na! I'm glad na hindi umulan kasi last time eh umulan ng bongga! Like putik na putik to the extent na we have to push the stucked car just so it can move pa mula dun sa muddy hole! Hahaha.

After nun, dumeretso na kami sa Bagabag para naman bisitahin si Tito Tolits (Ninth Child nila Ama).

Dun na kami nag-dinner sa kanila. Nagsayawan at nagawitan yung mga kids... sayang at ndi ko naipamalas ang talent ko kasi Visual Arts ang sakin at Performing Arts naman ang kanila. Yes, ako lang ang ndi nagperform. hahaha.

Finally, kauwi na rin.

Sa susunod na December na ulit ang pagkikita-kita namin ng mga pinsan ko. Sana enjoy ulit.

No comments:

Post a Comment