Thursday, November 1, 2012

An Unexpected Trip to Baguio! DAY 2 -Part 2- [2012.10.27]

For DAY 2 -Part 1- Click HERE

Grabe ibang-iba na ang itsura ng bahay nila Tita Gabriela. As in major revamp! Tinanong ko si Mama, sabi niya gumanda daw yung house nila Tita dahil sa nag-mi-mina daw sila ng gold. Nakita ko nga yung milling set-up nila dun sa baba ng bahay nila.

Nag-picture picture kami sa paligid. Nakakita kami ng dalawang mountain goat malapit dun sa ilog. First time ko makakita. Ibang-iba pla talaga yung itsura nila.

scenery sa ibaba
Ang dinner namin eh Tinola atsaka Pork with broccoli. Mas gusto ko yung Broccoli. Hahaha. Hindi ko man lang ginalaw yung tinola.

Well, napansin nila na unti "daw" ang kinain ko. Hindi ah! Mabilis lang talaga akong kumain kaya ganun. Pero sangkaterba ang laman ng plato ko. Hahaha.

Nag-inuman yung iba, tapos kami nagkwentuhan.

Me mga familiar faces lalo na yung mga anak ni Tito David at Tito Manuel. Naalala ko yung mga bata sina Pacita at Sheen. Angkulit ng mga batang yun. Hahaha. Dito rin nabo yung pangalan ko na Pepito Patola Pacito... kasi tinatanung nila ang name ko ee.

Na-meet ko pla yung pinsan kong anak ni Tita Gabriela. Roldan's the name. Nung tinanong ni Dad kung kilala pa ako nung si Kuya Roldan, tumango siya. Ngayon naman... ako ang hindi maka-alala sa kanya. Ang alam ko first time ko siyang ma-meet ngayon.

Medyo naalala ko tuloy yung sinabi ni Dad dati na nangyari sa Wilmer's Resort sa Santiago. Dun ko ata sya unang na-encounter. Hahaha. Yung bata na tinuturuan kong mag-swim. Pero aside from that, wula na akong maalala.

Nag-stay ako sa kwarto niya. Yun, nagkwentuhan kami hanggang mga 11 PM ata yun. B.S.I.T. siya sa STI. Graduating na ngayon. Ayaw niya daw sa kurso niya pero no choice. Hindi daw siya sure kung gusto niyang magtrabaho after graduation. Mahilig siyang magbasa ng manga. Mahilig din manuod ng mga pambata na movies. Nanunuod din siya ng barbie; hahaha. Naglalaro din siya ng mga MMORPG; mahilig siyang magpuyat. At ang pinakapareho namin ay: tantananan! Lagi kaming nakapirmi sa loob ng kwarto namin. Hahaha. Introvert? Ndi ah. Madaldal naman.

After nun, natulog na ako pero siya eh naglalaro plang ng DOTA...hanggang umaga. Hindi ako comfortable dun sa higaan ko pero no choice. Ginusto ko dun mahiga ee.

Medyo masayang experience ddahil me nakilala kapamilya akong katulad ko... err, ndi naman lahat.


No comments:

Post a Comment