Thursday, November 1, 2012

An Unexpected Trip to Baguio! DAY 2 -Part 1- [2012.10.27]

DAY 1 Read HERE

Pagkagising namin, we decided na maligo na... sa hotspring!

Oh well, nakakadisappoint kasi wula yung taga-bantay dun kaya hindi namin ma-open yung ibang facilities. Pero yung hot spring na pool eh pwede gamitin... pero umahon din ako agad pagkatapos kasi madaming dumi yung tubig... eww.

So bumaba kami sa ilog at pinagtiisan yung sobrang lamig na tubig.

Merun din namang nagfloflow dun na mainit na tubig kaso amoy sulfur yung tubig kaya ndi rin ganun ka-enjoy gamitin.

Nagderetso na kami sa simbahan after kumain ng breakfast. Nine ng umaga supposedly mag-uumpisa kaso... yun, na-delay hanggang 10. Pero okay lang kasi nag-picture picture kami sa paligid ng simbahan. Pero... ndi rin pala okay kasi nadelete ni Chamme lahat... as in lahat including mga work-related pictures ni Dad. Damn... dapat talaga marunong ng umintindi ng English yung batang yun... ndi ba nya alam ang ibig sabihin ng "delete"? Grade Four na ah... skul bukul.

After nung kasal, dumeretso na kami sa reception. Typical Ifugao wedding ang reception: madaming tao, madaming nag-nga-nga-nga sa paligid, madaming me bitbit na anak, at syempre merun yung sumasayaw nung mga Ifugao dance.

Handa nila ay: Lechon na ndi crispy <I Know, ryt?>, Adobo na malalaki ang hiwa. Afritada <ata yung isa>, Dinuguan <na halos walang gumalaw>, at syempre ndi mawawala ang Pork Stew na asin lang ang pampalasa. Siguro yung iba dito, gustong gusto yun... Pero ako? NAY!

Oh well, Thankful na rin ako kahit papaano dahil sa libreng pagkain... at madaming eye candy ha!

Dumeretso na kami ng Baguio. Tapos syempre pumunta kami sa pinakasikat na parke ng Baguio, ang Burnham Park!

I used to love it here. Ngayon? Ewan. Masyado ng commercialized. Crowded. Tsaka maingay.

Sila Chamme, Aye, at Dad eh nagpunta mag-biking. Naalala ko tuloy nung mga bata rin kami nila PJ, Faith, at iba pa eh lagi kaming nag-b-bike dito. Kami naman nila Mama, Joy, Tita Celia, at Tita Felisa eh nag-boating. Madumi na yung tubig dito. Who knows kung anung mga creature ang nakatira duuuun sa ilalim. Naka-two rounds naman kami pa-ikot sa katubigan.

Ang pinaka-napansin ko ang sobrang daming eye candy sa paligid. Nakakatuwa!

Pasakay na ng boat!
 After nun, we decided na na magpahinga kaya dumeretso na kami sa bahay ng mga relatives namin sa Camp 6. 

Ang Camp 6 ay yung baranggay <ba ang tawag?> na nasa ibaba nung Lion Rock Sculpture. Nakatira ang mga pamilya nina Tito Manuel (deceased) at Tita Gabriela.

Yung bahay nina Tito Manuel ang lagi namin pinag-stayan dati pero ngayon eh sa bahay na nila Tita Gabriela.


No comments:

Post a Comment