Wednesday, October 31, 2012

An Unexpected Trip to Baguio! DAY 1 [2012.10.26]

Grabe hindi talaga kami sure ni Joy kung sasama kami kasi sobrang puno na yung sasakyan at sa likuran na lang ang bakante!

Noon una, nagdecide kami na wag na kasi hassle naman. Pero noong sinabi ni Dad na bibigyan nya kami ng pera pang-shop... halla impake na kami!

Umalis kami sa bahay around 4 pm. Kaming lahat na sumama: Manong Orlan, Dad, Chamme, Aye, Tita Felisa, Tita Celia, Mama, Joy, at Ako.

Hindi naman gaanu kahirapan ang maupo sa likod. Yun lang, pag me pinapakuha na mga gamit sa likod eh nakakainis lang.

Atsaka medyo masakit sa puwitan ang pag-upo dun kasi nasa gulungan yun.

Pero naka-adjust naman kami agad-agad.

Nakatulog na ako mga half-way papuntang La Union. Tapos nung medyo comfortable na ako sa higaan, tadaan! Nandun na kami!

Around 10 minutes to 12 ang oras na nakarating kami.


Natulog agad sila Mama pero kaming mga bata eh nanuod pa ng "The Healing".

Hahaha. Sobra naman kung makatili yung mga kasama naming bata.

Natulog na kami after nung film. Guess what? Walang proper tulugan so natulog nalang ako sa tabi nila mama doon sa bed na naka-expose sa daan! Hindi lang naman kami ang nakatulog dun, madami ring mga unknown faces. Pero holy puwit. Natakot naman ako kasi baka me head hunter na susulpot dun anytime kaya medyo ndi ako nakatulog kasi binabantayan ko yung paligid.

Medyo maingay din kaya kasi yung mga truck na padaan daan. Hmf.
Pero enjoy din naman kahit ganun.

No comments:

Post a Comment