Monday, June 4, 2012

Jonalyn & Julius' Wedding: Part 3

Nung Sunday nagpunta kami sa Diffun para bisitahin sina Tita Mely, Tito Junior, at Ate Alyn. Nung first time kasi namin na bisita eh paalis na sila papuntang Santiago kaya yun bbumalik din kami agad.

Nagpunta muna kami nila Mama, Dad, Chamme, at Joy sa Church sa Diffun. Grabe, halos walang pinagbago ang church lalo na sa interior. Ganun na ganun parin.

After ng mass, nagpunta na kami sa bahay nila Ate Alyn. Sakto rin naman na paalis sila papuntang magsimba. Kaya yun hinitay nalang namin sila. Buti merun kaming mga kausap don. Nakita ko din yung anak ni Ate Matot. Grabe ang kyot nung bata!!! Gwapo yun paglaki hehehe.

Nung lunch nag-spaghetti lang ako... syempre me refill ahaha. Nagkitakita ulit kami nila Loyd at Monang; mga childhood friends namin. Usap usap ganun. Asaran lalo. Ndi kami masyadong nakapagusap ni Ate Alyn kasi busy palang sila sa preparation. Grabe nga. Sobrang madami palang papeles at preparasyon ang mga ikakasal. Kinontrata na din nila Ate Alyn si Dad sa sasakyan nya para sa wedding.

Around 2pm, umuwi na kami. Pagdating sa Cordon, dumaan muna kami kina Ate Xenia [asawa ni Kuya Joemar] para magbigay ng invitation. Sadly, hindi daw sila makakapunta kasi may ipapakasal din sila around that week.

Atsaka napilit din namin si Inang na bilhan kami ng ice cream!!! So nag-snacks muna kami bago pumunta ng Santiago.

Bumili lang kami ng charger ng laptop at sapatos ni Joy pero inabot kami ng tatlong oras grabe! Sobrang dami kasing tao. tsk, tsk.

\(^0^ )/

No comments:

Post a Comment