Sunday, June 17, 2012

Jonalyn & Julius' Wedding: Finale

Akala ko talaga babagyo that day... Buti naman ndi. Salamat dahil ndi killjoy si Butchoy.

Anyways...

Ito yung banner na ma-pink din
Ang color theme ng kasal nila ate Alyn ay Pink. As in lahat pink [syempre me white at black]. Yung damit ko, kamisa de tsino na pink tapos chinese collared-barong. Yung ke Joy, parang pang-prom na dress and white shoes [na may 3inches na takong]. Medyo analogous din naman ang damit nila Chamme sa damit nila Joy pero ang pinagkaiba eh may head dress sila. Si Ate Alyn naman naka-white gown na madaming shining palamuti. Si Kuya Julius naka [almost-] tuxedo.

Si Joy at Ako dun sa me ancestal house
Unlike sa kasal nila Ate Xenia, wala kaming pictorial. Sobrang prepared pa naman ako if ever merun ehhh. 

After namin magbihis-bihis, nagpunta na kami sa Villa Alca, somewhere sa boundary ng Santiago City at Diffun. Nakakapeke naman yung Villa Alca ahahaha. Akala namin me swimming pool, yun pala eh wala. Pero merung ancestral house dun na maganda dahil halos lumang items ang nakapalamuti.

Medyo sablay din [para sa akin] yung pagmama-march kasi ndi man lang kami nagkaroon ng rehearsal. -sigh- Naka-asa nalang kami sa sasabihin nung Pastor. Medyo iba rin pala [ng unti] ang marching ceremony ng Methodist sa Catholic.

Newly Weds!
After nung kasal, picture-picture na! Sobra naman kung makisali ako sa pictures ng iba! Sobrang atat? ahahaha. Ang dami kong sinalihan na pictures na dapat eh ndi naman ako kasali.

Tapos, sa reception na! Weeeh! 
Pero na-shatter ang kaligayahan ko when I learned that walang exclusive table para sa mga secondary sponsors. Nakisali tuloy kami sa ibang guests. Pero okay lang, atleast me mga bago kaming kakilala Hahaha. At nung tatawagin na isat'isa ang mga secondary sponsors, nagulat ako nung bigla ba naman tumayo si Joy si kinauupuhan nya. Ahaha! Baka ndi daw kasi siya makita if tumayo lang sya. Go lang!

Si Ate Alyn at Kuya Julius
After ng kainan, nagpalit na kami ng damit. Tapos nagpicture picture kami nila Ate Xenia dun sa Ancestral House.

From L-R: Xai, Joy, Ako, Ate Xenia


After nun, uwian na! Pero nagpunta muna kami sa Diffun para maki-happy-nings! Yeeeh! 

All-in-all, worth naman ang pagod naming lahat sa wedding nila Ate Alyn at Kuya Julius. Sino na kaya ang susunod na ikakasal? Tatlo na kasi ang kasal sa mga first cousin ko sa Mother side: sina Kuya Dondon, Kuya Joemar, at Ate Alyn. 

Hahaha, ako? Baka ndi.

"Love Asks For Nothing In Return"

No comments:

Post a Comment