Friday, May 25, 2012

Nakakapagod na Uwian


May 19, 2012 was the last day of my summer class. Unfortunately for me, I wasn't exempted from taking the [shitty] final exam for EnSC 13; -sigh- and I thought I would never ever take a final exam in any engineering science courses. The exam started at 1pm and finished at 5pm. Dahil mahirap ang byahe, nagmadali nakong sumakay ng jeep papuntang Olivares.



Merun akong nakasabay na kyot sa bus hehehe; ilang beses din kami nagkatitigan and nakaupo sya sa susunod na row. Malandi eh! And... after almost 2 hours na byahe, sa wakas nasa Cubao na ako... nakasabay kong maglakad yung si kyoti hanggang jollibee at... totoo ba yung nakita ko? Me naghihintay sa kanya sa isang taxi!!! at me guy dun sa loob na nagwe-waive sa kanya!


Na-pandaliang-heart-broken na naman ako dun ahhahaa!

Syempre nagpunta muna akong Jollibee nu... umorder ng pagkain kasi around 9am nung huli akong kumain at napa-onti at feeling ko panis na yung kinain ko. Ahahaha.


Anyways, I texted Marissa to wait for me sa Victory Liner. Bago ako nakarating sa Cubao, she told me na andaming tao dun sa terminal... she's asking me if there's something na holiday-ish that day pero sabi ko wala. at yun... nagulat nalang talaga ako nung pagdating ko dun at halos isuka na ng buong terminal yung mga tao... Syet anghumid at amoy sigarilyo pa sa loob! Dali-dali akong nagpunta sa ticket booth tapos nabasa ko...


"NO MORE VACANT SEATS FOR THE REST OF THE DAY. MAG-CHANCE PASSENGER NA LANG"


Sa akin okay lang na mag-chance pero si Marissa ay sobrang nagulat ahahaha! Andami kasi nyang dala: mga bags plus yung mga paraphernalia nung something na project nung org nya. Pero tinamad na kami both na pumunta sa ibang terminal because we were both tired and gutom na... so we decided na mag 4:30 am trip na lang sa kinaumagahan... Hahaha nung nagpareserve ng seats si Marissa, nagkamali pa ng lagay ng discount dahil ndi na-honor yung sa akin kasi ndi ko napavalidate... Kaya we decided to split the discount! Thank you Marissa! So yun. nakatambay lang kami sa Victory Liner for almost 8 hours! Well, I think it's a good thing din naman kasi we were able to catch up on things: school life, love life, mga chismis, etc.



Okay, kami na ang maingay sa terminal habang lahat ay tulog! Nga pala, me something na maganda ang nagbago sa terminal ng Victory... um-upgrade na yung CR nila!!! Gugustuhin mo na ang gumamit ng paulit-ulit... pero isa paring misteryo para sa mga lalaking gumagamit sa men's CR... nahihirapan ba kayong i-flush yung inihian at tinaihan nyo!!! Grabe! Kadiri!



Dumating na yung 4:30 bus... hay! Sa seats 20 at 21 kami; ako yung malapit sa window. Nanuod pa ako nung panuod sa TV bago ako nadatnan ng tulog habang si Marissa eh naglalaway na ahahah! Ilang beses din akong nagising kasi sandal ng sandal sakin at nag-worry naman ako sa damit kong malalawayan ahahah! Joke lang marissa!



Dahil morning person ako, nagising agad ako ng mga bandang 7:30 am at ndi na ulit ako dinatnan ng antok... Buti pa yung katabi ko tur-og. Nung medyo malapit na kami sa ccq sa Aritao, nakaramdam na ng pagsusuka-sensation si Marissa and being a palaasar that I am, asaran to the max habang pinipilit kong mag-induce ng vomit. Ahahaah! Yun pala nagugutom lang si Marissa and YES nakakapanghilo nga pag walang laman ang tyan mo.. pero naalala ko na binigay ko sa kanya yung burger ko ah!


Ako at si Miss Laway!!!
Nakarating si Marissa sa Bayombong ng around noon. Habang ako, me 2 hours pa hanggang makarating ng Cordon. Pero masaya rin naman. Bale ndi ako deretsong bahay at sa Punta Amelita ako nagderetsu kasi me gathering at happy-ning kami.






No comments:

Post a Comment