Friday, May 25, 2012

First Time sa Punta Amelita

First Time ko sa Punta Amelita... at kagagaling ko lang sa nakakapagod na byahe...

Nakarating ako sa Punta Amelita around 1:30 pm na. Ni-celebrate kasi namin yung birthday ni Tito Tolits kaya kasama namin yung ibang relatives ni Tita Tere. Pagkakatanda si Mama, Papa, Chamme, Inang, Joy, Bush, Aye, Tita Tere, Angel, yung isang girl, Jhunnel, yung isang boy, Kuya Boyet, Herdy, at si Kuya Erik. 


Nakarating ako dun, kumakain na sila. Andaming handa grabe! Me grilled isaw, grilled paa ng manok, grilled pork chop, grilled tilapia, pancit, adobo, tsitsirya at syempre ndi mawawala ang kanin; pero grabe ah, tatlong kaldero ata ng kanin yun! Ang tagal ko ng ndi kumakain ng meat! Ang sarap mamulutan!; of course walang alak!


Wow maganda nga talga yung Punta Amelita. garden na garden. Engrande. Mukha ngang ndi commercialized kasi sobrang maintained ang ganda.

Sabi ni Mama, sila daw ang pinakamaagang customers dun so imagine-in mo nalang na sobrang itim na ng kapatid ko ahehehe.


Sabi ko ayaw kong maligo pero naligo parin ako nung mga last hour na. Enjoy! Ahahaha. Syempre nagpakitang gilas naman ako sa self-learned swimming skills ko; me ganun! Ang lamig nung tubig! Angsarap! Doon kami sa pool sa taas kasi yung pool sa baba medyo kadiri na ang itsura kasi puro kids ang andun... at me naka-ebs pa na bata!!! Ewwwww.


Si Joy merung bagong flame! Si Jhunnel. Lapit kasi daw ng lapit sa kanya. And guess what? Hindi lang pala ako ang nakahalata kundi pati yung lola ko! O ha! Lola na yung nakapansin ibig sabihin obvious na! Pero well, normal lang yun sa teen life. Pag-uwi namin kinagabihan, nagulat kami nung i-open namin yung FB ni Joy at merun syang friend request! Ahahaha!

No comments:

Post a Comment