Tuesday, May 29, 2012

Family Vacation 2012 THIRD DAY [2012.05.24]

sa pangatlong araw, we decided to go back to the lowlands after lunch...

Nagpunta muna kaming Baguio Cathedral para magsimba... if I remember it correctly, this is the second time na nakapasok ako dito; am not too sure. Tinapos namin yung isang mass... nagulat ako dahil halos 30 minutes lang ang isang misa dito; oo, kasama na dun ang homily, ama namin, at communion. Pagkatapos ng simba, naglakad-lakad kami nila Joy, Mama, at Chamme sa palibot nung block kasi me hinahanap si mama na agency or something.

si Angel at ako ahehehe
Inakyat din namin ni Joy at Chamme yung supposedly shorcut pabalik sa Baguio Cathedral... shortcut nga, ang steep naman ng slope hehehe.

grabe nakakapagod pero sanay narin kasi ako


Ang huling destination namin ay sa Mine's View Park. Grabe sobrang foggy nung nagpunta kami... nakakatakot tuloy baka me makasalubong kaming wreckless drivers ahehehe. Thank God, wala naman. Ang feeling eh para kang nasa ibabaw ng mga ulap. Halos ndi mo makita yung mga bahay sa baba.
Picture muna! (L-R) Inang, Joy, Mama, Chamme
 Madami na ring nagbago sa Mine's View. Mas naging commercialized ito. Andaming tao, andaming stalls, andaming ukay-ukay-an, at madami ding mga street food carts, at mga cactus and other ornamental plants na binebenta; at syempre ndi mawawala yung mga peanut butter, strawberry jam, etc.
Mga commercial stalls
 Hindi masyadong makita ang view dahil nga foggy. So nagpicture picture nalang kami. Si Chamme nagcostume pa! Php 10.00 ang unlimited shots dito.
Chamme wearing an Igorot costume
Syempre sumakay din ng kabayo... Php 10.00 naman ang per shot dito. Sabi ko nga ke kuya, panu pag nagkamali? Hehehe.
Chamme nakasakay sa kabayooo! Magkamukha sila
After nun, foodstuffs naman! Bumili kami ng mga peanut butter, strawberry jam, sundot kulangot, at choco flakes... grabe angmahal! Pag bumili ako nito sa lowland bakit ang mura???

Me and Mama sa Mines View!!!

Tapos kumain kami nung sweetcorn nila... Nagulat ako dahil Php 30.00 ang isa samantalang ang mura ng mga sweetcorn sa Los Banos... tsk. Grabe kayo! Pero still, parte ito ng vacation. Hindi naman ako ang magbabayad so go lang ng go!


Angbilis naming natapos sa Mine's View. 9am palang eh pauwi na kaming Isabela. Okay narin yun, medyo boring narin eh. Bale ang tinahak namin ay Kayapa route which, sabi ni Papa, ay mas mabilis na byahe kesa sa Marcos Highway Route at Kennon Road Route.

Somewhere in the middle of nowhere just before Kayapa, nagstop over muna kami sa isang ilog para maligo at maglunch narin.
Si Mama at si Inang kumakain!
Grabe ni halos wala man lang kaming inulam. Nagshare lang kaming anim sa isang Century Tuna Flakes in vegetable oil na walang kalasa lasa. Pero enjoy! Grabe yung ilog sobrang mabato... angsakit sa paa. At napakalakas pa nung hampas ng tubig dahil nga medyo mababaw.
It's more fun in the Philippines!
Nagderetso na kami pababang Kayapa bago pa kami mangitim lahat. Namalengke pa sila Mama at Dad ng mga gulay nung nasa palengke na kami ng Kayapa.

Nung nasa Solano na kami, nagstop over din kami sa Total Gas station para kumain ng ice cream; grabe, sobrang init kasi! 

Nakauwi rin kami sa wakas! Nakakapagod pero sulit naman. Sayang nga lang dahil wala man lang akong sariling pera para man lang me nabili ako para sa akin na mula sa akin. Sana nga matuloy yung Palawan Trip namin next summer hehehe. Masaya yun!

------------------------
UPDATE!
For more pictures, visit my Facebook Folder HERE!

No comments:

Post a Comment