Sunday, May 27, 2012

Family Vacation 2012 SECOND DAY [2012.05.23]

Brrrrrr. Grabe anlamig ng tubig sa La Union! Dahil maarte ako  at yung tubig na panligo eh galing sa inimbak na tubig, talagang ni-flashlight ko pa yung tubig habang tinatabo ko kasi baka me kiti-kiti... Eww! Buti naman wala.

After naming maligo at kumain, umalis na kami sa bahay nila Tita Sabeth at nagtungo na kamig Baguio! Well, dumaan lang muna kami sa Baguio at nagderetsu kami sa La Trinidad, Benguet kasi me inasikaso pa si Dad na work-related. Nagpunta kami sa CHED at hinintay namin si Dad na matapos; syempre pampalipas oras ang picturan!
Ako at kapatid ko sa harap ng CHED building sa Benguet
After nun, nagtungo na kami papuntang Burnham Park. Andami ng nagbago sa Burnham Park... ndi na ito yung Burnham Park na pinupuntahan namin nung bata pa ako. Nagbike lang kami at kumain ng mga chichirya... hehehe. Naglibot kami kuno. Agpasugnod pay dyay ading ko ta gusto nyang sumakay sa boat eh ayaw naman namin. Hehehe.

Ako ang masususnod.Ako habang nakasakay sa side car ng bike.
After namin sa Burnham, nagpunta na kami sa SM Baguio. Tama nga ang sabi nila. Pumunta ka lang sa isang SM, alam mo na agad ang itsura sa loob ng ibang SM. Angsadya talaga namin dito ay bumili ng PSP ni Chamme. Grabe. Andami naming stores na pinuntahan. Yun, in the end, nakabili din sya ng PXP [oo, PXP nga.] After nun, pumunta kami ni Joy sa National Bookstore. Grabe andaming tao. Wala din naman akong nakitang interesting. Kung ako lang siguro mag-isa, lilibutin ko buong SM Baguio pero pagod na kasi mga kasama ko.

Naglunch kami sa KFC. Sabi ko nga, punta na nga lang kami ng Baguio eh mag-ha-Jollibee pa, eh merun naman nun sa Isabela... Pero KFC wala sa Isabela though merun sa Laguna. Hahaha. Umorder kami ng bucket meal at isang bucket fries para sa akin. Ansarap kumain pag libre!Kakatapos lang kumain.

Tulog na ako. Ahehehe.
After ng lunch, we headed to the Botanical Garden. There are so many old Igorots there sa vicinity ng Garden. At nagpapabayad sila ng PhP 10 for every picture. I saw na this kasi sa isang documentary na napanuod ko kaya we refused to take a picture with them. Madaming nagbago sa Botanical Garden. Peaceful parin dito. Angtahimik... Sarap magmeditate. Binilhan kami ni Dad ng mga Baguio Tees! Napili ko ay isang gray na Tee.
Oh pose muna!
Grabe umulan pa!
Nagawa pa naming magpicture picture habang naulan!
Mga bagong Torogi!
We decided to go na to rest. Sobrang kapagod.
Bago kami nagpunta sa BPI, kung saan kami magstay for the night, nagpunta pa kami ng Benguet ulit para i-follow up yung work-related stuff ni Dad. 

Nakarating na kami sa BPI. Dito kami nagstay ni Dad nung last time na nagtake ako ng entrance exam sa SLU Baguio. So lamig dahil maulan!!! Tig-i-isa kami ng bed. Angsarap matulog dito sa Baguio, grabe!

-------------------------
UPDATE!
More Pictures on my Facebook folder HERE

No comments:

Post a Comment