Sunday, May 27, 2012

Family Vacation 2012 FIRST DAY [2012.05.22]

Finally, natupad din ang family vacation!
Tara lets sa Baguio!!! Well ndi ko na mabilang kung ilang beses akong nakapunta ng Baguio.
So sana next vacation eh sa Palawan kami pumunta. That would be awesome. I wanna visit naman the rest of the Philippines kasi sooper stuck na kami dito sa Luzon.

Nagbyahe kami ng alas otso ng umaga. Bale makiki-hitchhike yung pinsan kong si Jun pati narin yung pinsan ko dahil pupunta daw sila sa Pangasinan. So imbes na Kayapa Route kami, Nag-Pangasinan Route na! Well, fun naman kasi sarap ng Joy Ride. 

Nung nasa bandang Carangglan na kami, nagstop over kami sa isang bahay kubo na intended ata talaga for stop overs dahil me maintenance fee pa na kailangan. Lunch namin ay Bistek atsaka Sinigang na galunggong; medyo ayoko sa fish na me tubig so Bistek lang ang inulam ko. Along the way, bumili rin kami ng mga pinya so kinain din namin yun. Akala ko nga maasin pero sobrang tamis nya.
Ako at ang Lola ko

Nagtuloy tuloy na kami sa byahe hanggang maka-abot na kami sa bahay nung pinsan ko sa Pozorrubio, si Kuya Ian na bibisitahin nila Jun. Hindi na kami lumabas ng sasakyan kasi hinahabol namin na makapunta kami ng Baguio habang maaga pa.

Nagderetso na kami sa La Union hanggang makarating kami sa bahay ng pinsan ng Papa ko na si Tita Sabeth. Nakilala ko dun yung batang si "Ken-ken" na naging tour guide namin sa vicinity hehehe. Napagdesisyonan nila Papa na magpalipas nalang kami ng gabi doon so yun dun na kami nagstay for the rest of the day. Pinag-iisipan din namin kung mag-ha-hot spring ba kami pero ndi natuloy so Nag-river nalang kami. Grabe ang OA. Sobrang lamig nung tubig!!! Medyo mababaw lang naman yung tubig pero malakas ang hampas nito.We're still in La Union pero ang lamig ng Baguio ay ramdam na!
Oblation Pose! sa RiverSide

Pagkatapos naming maligo, naghapunan na kami. Bukod sa baon naming ulam, me lechon manok pa! Sarap. Pinapunta na kami sa room namin pero nagdecide kami na sa salas nalang kami lahat. At dahil madaming lamok, nagkatol kami at yun... inatake na ako ng asthma ko. Pero buti, ndi gaano malala dahil waley pa man din kaming baong gamot. Grabe buti merun ding pinahiram samin na electric fan kundi wala ni isa sa amin ang nakatulog. Ang bangis ng mga lamok nila!

Kahiga ko si Joy at Chamme. Ang gu-gulo nilang matulog grabe! Hayz.
Medyo okay naman ang tulog pero napaka-UNCOMFORTABLE. Yun lang.

Madami pa kaming pictures dito!!!
Family Vacation 2012 FIRST DAY

No comments:

Post a Comment