Tuesday, April 3, 2012

SUMMER CLASS 2012 SCHEDULE

ONLINE ENLISTMENT

April 2 - April 6

START OF CLASSES

April 11

REMOVALS WEEK/DAY

April 11 - April 13

--------------------------------------------------------

Hahaha!
Ang funny na naman ng online enlistment na ito... 
As usual, me mga bugs na naman sa systemone.


Eto ang mga naging problema nung April 2

  1. Down ang main server ng 9 AM kaya nilipat sa 9:30 AM dahil lahat ng accounts ay naka-"finalized" status.
  2. Nung 9:30 AM naayus na yung "finalized" status kaya gora na! Pero madaming nagtaka lalo na sa mga magtatake ng Engineering Sciences (11, 12, 13, at 16) dahil 60 slots per section ang inoffer eh ang usual naman eh 30 slots so nagtaka lahat baka daw kasi large class, eh ampangit kaya ng large class lalo na sa mga ganitong subjects. Nung ako na ang nagpareserve, dun ako sa panghapon na section tapos merun pang 59 free slots available so bale pangalawa ako sa nabigyan sa section na iyon.
  3. Nagkaroon ng announcement after naubus lahat ng slots... Sabi "Important: students enlisted in ENSC 13, i'm afraid there's been a mistake. each section only has 30 slots. i'll have to remove the last 30 students. im sorry." galing kay Sir Rommel Bulalacao nabasa ko sa UPLB SystemOne V2 Developers and Users Facebook Group.
  4. Medyo okay lang naman ako nung umpisa kasi nirefresh ko at merun parin ako dun... pero nung nirefresh ko ng pangalawang beses, shemay!!! Wala nako dun!!! Nagpanic na ako... pumunta ako sa groups tapos madami din ang nagkaroon ng problema nun... Naiinis din ako kasi first 30 daw yung icoconsider pero bakit wala parin yung akin? Ichecheck daw yung logs.
  5. Naghintay ako ng 24 + 12 hours para lang maayos yung slot ko... Luckily, nanumbalik naman.
Masaya nako ngayon hehehe.
Bale, ang mga nakalagay sa aking sked ay:

EnSC 13 -  Strength of Materials (1-2:45 PM M-S)
PI 10 - Life and Works of Jose Rizal (8:45-10 AM M-S)

bale gusto kong tanggalin yung PI10 para mag-PE2 nalang ako ng Philippine Games

Sana kayanin ko lahat to...

At with regards din pala dun sa ChE32 ko...
Nagpa-schedule na ako ng finals sa April 13... hindi pa ako nag-aaral so mag-aaral na siguro ako tomo...
God Bless sa atin!!!

Sana ndi maging masyadong mainit nitong summer na ito gaya nung nakaraan...
Pero Sure akong pagpapawisan na naman lahat!!!!!!
Heheheh.

No comments:

Post a Comment