Friday, August 26, 2011

Yes, Buhay pa ako ^_^

Hay grabe antagal kong ndi nkapagpost dahil wala akong laptop at xempre net connection...
Nandito ako ngayon sa bahay namin sa Cordon. Loooong Weekend kasi kaya yun :) Buti nalang nakauwi ako ng maaga kahapon kundi, binabagyo siguro ako ngayon sa daan. Worst, baka ikansela ang lahat ng byahe.

Anyways, andami ko paring hinarap na problema kahapon bago ako makabyahe patungong Isabela. Una, pagdating ko sa bust terminal sa Cubao, all the flights este bust trips ay fullybooked na!!! Grabe as in inisip ko... Panu na ito???!!!

Why me? Why Now?

Kaya nagbakasakali akong makapasok sa mga, ika nga, CHANCE PASSENGER o "tyens pesenjer" sabi nung katabi ko. Syempre nakiayon muna ako sa mga tao dun. Me pila pila pang nalalaman ee. Around 4pm, dumating na yung bus. Hanep! Unti lang ang available na seats at lahat standing! Hello? Ayoko nang maulit ang nangyari sa akin dati. Goodness! CUBAO to CORDON??? Buryong na ako nun!

Anyways andami paring sumingit kahit na may "pila".

So hinintay ko naman yung 5pm bus... kwentuhan muna... tapos lumakas yung ulan. Buti nalang dala ko yung napaka-loyal kong umbrella. Ayon! Dumating na nga yung bus. Syet! Andaming bakante!!! Tapos nung bingyan na ng hudyat para pumasok yung mga chance passengers... grabe yung pila, NAGULO!!! Pangatlo ako sa pila ee tapos tinulak ako nung lalaki sa likod ko!!! PESTE sya!!! Kafal ng footang feys!!! Edi syembre nakitulak narin ako! Wala na! Nawalan na ako ng respeto sa mga yun! Peste sila! nyahahah. Palakaibigan tapos mangpipisikal para lang makauna. POOTIK!

Anyways, nakakuha parin ako ng matinong seat. Seat no. 8. sa may aisle. Ndi narin masama.

Hay tuloy tuloy na ang byahe... Buti ndi gaanong maulan. Mahangin hangin lang.

Nakarating akong Isabela around 2 to 3 pm.

Nadatnan ko sina parents at kapatid na naghahanda par sunduin ako but well, andito na ako. Late na kayo.

Ngayon naman sobrang maulan as in. Paano ako makakabili ng bagong laptop nyan???
Tapos naiwan ko pa yung external drive ko. Malas.


No comments:

Post a Comment