Saturday, April 30, 2011

Mama and Chamme in Los Banos! ~ THURSDAY [April 28, 2011]

Dahil mahal na mahal ako ng aking mga magulang, nagpasya silang bisitahin ako here!

Well, si Dad kasi ay may summer class din kaya ndi sya nakasama L.

Bumyahe sila mama nung Wednesday (nung EnSC 12 exam ko na) together with Tita Febie, PJ, Faith, at Josh. Pero dahil ginabi silang nakarating sa Manila, they had to travel nalang ng Thursday morning papuntang Los Banos.

Syempre, maaga akong nagising kasi akala ko maaga silang byabyahe kasi 5:30 AM plang eh nagtext na si Mama at tumawag din si Tita Febie. Yun pala, 8 AM palang sila nagstart bumyahe papunta here. Around 11 AM sila dumating. Nagkita kami sa KFC. Wow ha, me pabaon pa silang bigas sakin.

Pagdating naming ng bahay, kumain na kami ng lunch. Yung baon nilang pritong bangus. Sarap kea J.
Well, sabi ko na nga ba at maglilinis si mama pagdating nya. Ayon, naglinis sya. Naglaba pa ng mga damit ko. Pagdating ko after ng klase ko, nagpunta kaming Robinsons para mag- grocery. Syempre madami akong nabili kasi pera naman ni mama yun. Thanks!!! Si Chamme, nsi nagpatalo sa padamihan ng mabibili. Aba naman tong batang to.

Well, punung-puno na naman ang aking lalagyan ng pagkain… pati narin yung ref.

Ako ang nagluto ng dinner… Burger Patty at Hotdog!!! Nyahahah. Kasi yun ang medaling lutuin eh… Well, at least ndi nagreklamo si Chamme kasi paborito naman nya yun J.

After nun, kahit tapos na yung exam ko ng EnSC 12 eh nag-aral parin ako. Ganun ka-busy.

It’s good to be with my family, really. Tumawag si Dad nung gabi na yon. Sabi nya i-treat ko daw sila Mama sa McDO. Waley kaya akong pera…. ahahah. Nag-argue pa kami ni Chamme kung saan kami talaga kakaen kasi paiba-iba sya ng decision at ako naman na taga-elbi… ay sawang sawa na sa McDO.

Kapagod ang araw na ito pero fun. Sarap talagang magpaiyak ng kapatid ^^.

No comments:

Post a Comment