Saturday, April 30, 2011

Mama and Chamme in Los Banos! ~ SATURDAY [April 30, 2011]

Maagang tumawag ulit si Dad para mangumusta :D. Miss na kami non for sure.

Tumawag din sila Tita Febie at sinabing uuwi na daw sila ngayong gabi ng mga 9 PM. Pumayag naman sila Mama na sumabay sa kanila kaya yun… uuwi na sila. vv Sad lang kasi napaaga ang uwi nila. Well, mas kampante naman ako pag ihahatid sila nina Tita Febie sa Cordon.

Kaya maaga palang, nagsipagligo na kami at nagtungong palengke para bumili ng pagkadami daming future ulam ko. naman! me paganun ganun pang alam ha!

Pawis na pawis after palengke. Ayaw ko talaga ang pagpapawis lalo na kapag wala sa tamang oras. Kainis!

Sulit naman kasi masarap ang ulam naming na luto ni mama: Sinigang na baboy. Me favorite pork dish J

nagmarinate din si mama ng pork chops.

Well… after kain, natulog muna kami until 4 pm. Tapos hinatid ko na sila sa sakayan ng jeep. Agad din naman silang nakasakay ng bus. Around 6:30 to 7 Pm sila nakarating ng HM Liner.

Ulam nila dat nyt was siomai… Paborito ni Chamme ang siomai ah.

Hihintayin nila sila Tito Serafin at Tita Febie dun mga around 9 PM.

Stay safe mama and chamme!!! Lots of love! mwah!!!

XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOOXOXOXOX

No comments:

Post a Comment