Saturday, April 30, 2011

Mama and Chamme in Los Banos! ~ FRIDAY [April 29, 2011]

Ndi parin makapagdecide si Chamme kung kalian sila uuwi. Either Saturday, Sunday, or Monday.
Tumawag si Dad ng medaling araw… nangungumusta as usual. Mabuti naman me dad! Maaga nagising sila Chamme at Mama… ako, nagextend pa ng tulog. Kasi naman, mainit na nga kagabi, si Chamme paikot ikot pa sa bed. Grabe!!! parang orasan.

Balak naming pumasyal ee. Kea lang nagpasya kaming sa hapon nalang para ndi gaano mainit habang naglalakad kami sa UP grounds.

Meanwhile, naglaba ulit si Mama ng bed sheets at mga damit ko. Kasi, ndi na ako nagpalaba kasi darating naman sila mama at alam kong maglalaba at maglalaba siya. Well, oras oras basta may mureng. Harharhar.

Well, nagmeet kami sa Land Bank… umpisa ng maglakad!!! Pero dahil pagod pa ako, nagstay muna kami sa Carabao Park at syempre picture picture muna!!!

sa likod ng Searca :D

O diba? ndi kami masyado naglibot eh. sobrang init kasi. Imagine 5 PM na tapos maalinsangan parin? Umabot lang kami hanggang Mariang Banga… kasi si Chamme ay nagmamadali ng kumain. Ay nako parang ndi kumain ee. Kalerky lang.

Well sa sobrang pag-aaway namen, nauwe kami sa Chowking imbes na McDO… ahahaha!!! I always win.
Order: Shanghai Lauriat, Chinese style fried chicken, halo-halo.

Ndi pa kami nakuntento dahil nag-order pa kami ng siomai sa Siomai Foodhouse which naubos naming agad. wala pang 5 minutes.

Bumili kaming apple sa me square den, uwian na!!!
Tinamad na akong magreview kasi Friday naman na eh.

Agang natulog ni Chamme kaya kami lang ni Mama ang nanuod ng Mutya hanggang Mara Clara habang kumakain ng boy bawang.

And yon… natulog na us… This time, mas masarap ang tulog dahil me bago kaming formation.


No comments:

Post a Comment