Saturday, March 12, 2011

We’ll miss you Tito Tolits ~Part 2 (February 28, 2011)

Mabigat parin ang kalooban ko… kaming lahat.

Parang masamang panaginip lang yun.

Nagpunta kami sa Bagabag at around 11 ng tanghali na kami nakarating. Unti palang ang mga tao dun. Agad akong pumunta sa kinaroroonang ng labi ni Tito Tolits. Tita Tere was there beside Tito’s coffin. Nung Makita niya ako, agad siya napaiyak.

Niyakap ko si Tita at ako’y napaiyak narin. Scenario:

TITA TERE: Joel, awanen ni uncle mun. Imbati na kamin… <cry> (Joel, wala na si Tito mu. Iniwan na niya kami.)
<cry>
TITA TERE: Nagpintas paymet ti plano mi nga nu graduation mu ket apan kami. <cry> (Ang ganda pa naman ng plano naming na pumunta sa graduation mo eh)

Yes, nagpromise sila sakin na pupunta sila sa graduation ko. Nung pasko yun eh. Natuwa naman ako. Kaya nagsusumikap akong magka-laude para kahit papano eh sulit din ang punta ng mga relatives ko.
Si Inang, umiiyak din. Sabi niya medyo mabigat daw ang puso niya pero hindi niya maiyak. Naalala ko sabi niya…

INANG: inununaan nak metten… <cry> (inunahan mo naman ako…)


Break muna sa iyakan. Kinukulit ako ni Miguel at Aye na ipahiram sa kanila yung NDSi ko. Hahaha. Sinusundan nila ako kahit saan. Lunch naming eh adobo at litson kawali. Sila Tita Tere, Dad, Tita Celia, Tito Erap, Tito Jhonny, Tita Felisa, at si Ama ay bawal kumain ng pork during the lamay kaya me special Tinolang manok sila.
Buti nalang eh hindi uminom si Ama. Dapat lang.


Nung hapon nun, dumating sila Tita Febie pati narin mga teachers from IFSU… at pati rin pala mga dating katrabaho ni Tito sa B-Meg.

Wala pa yung iba naming relatives particularly yung mga pinsan ko.

Depressing talaga.

Around 8 ng gabi, nagready na akong umuwi. Uuwi pa kasi akong Los Banos dahil me klase ako. Naghuling paalam ako kay Tito Tolits, hindi kasi ako makakaattend sa libing niya sa Friday eh. I asked for his guidance and help in my studies. Actually, naging malaking inspiration para sakin si Tito. Nung bata kasi ako, napublish yung name niya sa dyaryo sa pagkakuha niya ng license sa Vet Med. Kaya nagpursige akong mapublish din name ko sa dyaryo. Fortunately, nakamit ko at napublish ako sa 2009 DOST-SEI Merit A Scholars, albeit ndi ganun kalaki compared sa kanya.

TITO TOLITS, WE’LL MISS YOU! MWAH!
REST IN PEACE!

Angelito Lentop Ngohayon
^_^

No comments:

Post a Comment