Saturday, March 12, 2011

We’ll miss you Tito Tolits ~Part 1 (February 27, 2011)

Around 2 or 3 ng umaga ng nagising ako dahil nag-uusap sina Mama at Dad sa salas. Napansin ni mama na may miss call sya from Tito Erap at medyo recent ito (mga 10-15 minutes ago lang). Nagreply si Mama then tumawag si Tito Erap. Tumawag siya, and according to mama na he was crying, at binalita na patay na si Tito Tolits.

Nagulat si Mama. If I remember correctly, ito ang sinabi niya after niya narinig yung news.

MAMA: “anya?! Ni lito?” -à to Dad “daddy! Natay kanu ni Lito-n!”
DAD: “anya?!”
MAMA: “ni, ni Erap” (bigay phone kay Dad.)

Pagkarinig ko palang nito, napabalingkwas na ako sa bed ko. W-WHAT?! TOTOO BA ITONG NARIRINIG KO?

I couldn’t believe this. Gulat na gulat ako. Grabe.

Nagmadali sila Mama at Dad na pumunta sa Bagabag (bahay nila Tito Tolits). Ako, iniwan nila ako kasama ang umiiyak na Chamme. Pinatahan ko pa siya. Salamat at gising si Inang.

Tulala parin ako that day. Grabe. Grabe talaga.

Naalala ko lang nung last na nagkita kami nila Tito nung December 23, 2010 tapos ngaun, wala na siya. At around January ata nung naka-chat ko siya sa Facebook. Kako, grabe? Talaga?

Pumunta sila Mama at Dad together with Tito Erap, Tita Febie, Tita Tere (asawa ni Tito Tolits), Miguel (his son), at Aye (his daughter) sa Bulacan para iuwi ang bangkay ni Tito.

According kay Mama, tumawag daw ang opisina kay Tita Tere an nasa hospital si Tito Tolits. Pero ang itinawag nila kay Tito Erap eh patay na si Tito TOlits. Nabigla daw si Tita Tere ng tinanung nila siya kung saan isasakay ang labi ni Tito.

TITO ERAP: Anya ading, isakay tayo iti punerarya wenno ana?
TITA TERE: Apay ngay manong ta punerarya…?

Umiyak daw ng sobra si Tita; “ag-ug-uga-ug” ang words ni Mama. Umalis lang sila after nya kumalma.

Around lunch na ng nakarating sila sa hospital. According to Mama, madami daw katrabaho ni Tito ang nagbabantay sa kanya sa labas ng Morgue. Scenario…

MIGUEL: Kawawa naman ang Daddy ko…

<naiiyak ako tuwing maiimagineko si Miguel na sinasabi niya ito.>

Heart Attack daw ang ikinamatay ni Tito Tolits. Since EDSA Day nga nung Friday, umuwi daw yung mga kasama niya sa apartment. So mag-isa lang niya dun. Around 1 ng umaga, naramdaman na niya ang sakit. Nagawa pa daw niyang magtext kay Tita Tere ng mga 1:20. Nakaya pa ni Tito na magdrive papuntang hospital with the trabahadors. Unfortunately, he died.

Past midnight na ng nakarating sila ng Bagabag. At around 2 ng umaga nakauwi sila Mama.

Hindi talaga ako makatulog ng gabi ng Saturday na iyon. Naaalala ko parin si Tito at ang mukha niya. Siya kasi ang pinakamalapit sa akin sa lahat ng mga Tito ko sa Father side. Tumira siya samin nung mga college palang siya. Lagi nya akong tinatawagan ng madaming names; “Kek-ke-lek” ang pinaka-naa-alala ko sa lahat ng palayaw na binigay nya. Saksi din ako sa kasal nila ni Tita Tere sa Cauyan City noong nasa Grade School palang ako.

Naawa ako kina Tita Tere at sa mga anak nila. Miguel’s only 8 (ka-age ni Chamme) and Aye’s only 5. Sobrang Bata. Well, sabi ni Joy, atleast me alam na yung dalawa tungkol sa Father nila. Si Joy kasi eh namatayan ng Mother, si Tita Cila, nung 2 years old palang siya and wala siyang masyadong memory kay Tita; that time eh nasa Kindergarten palang ako.

Ganyan talaga ang buhay. Pero hindi ko parin ma-imagine kung sa-akin nangyari ito. Ayokong imagine-in.

No comments:

Post a Comment